Gemini's POV Umalis na sina Ninong Geller, Ninang Rana, at ang dalawa kong pinsan. Alam nilang may mahalaga kaming pag-uusapan mamaya — lalo na dahil darating ang mag-asawang Durand. Bago sila umalis, niyakap nila ako nang mahigpit at sabay sabing, “Gem, be honest and brave. They deserve to know… and you deserve peace.” Ngumiti lang ako, kahit may kaba sa aking dibdib. Habang papalayo ang sasakyan nila, naramdaman ko ang bigat ng katahimikan na naiwan sa paligid. Tonight won’t be easy — but it’s something I need to face. Andoon pa rin ang kambal sa playroom na ipinatayo ni Daddy sa loob ng mansion — isang malawak na silid puno ng mga laruan, educational materials, at mini slide. Lumapit sa akin si Daddy, mahinahon ang boses. “Gem, on the way na sina Ninong Gino at Ninang Alexa. G

