Gemini's POV Pagkababa namin sa private jet, isang sleek electric car ang naghihintay sa runway — para hindi ko na kailangang maglakad nang malayo papunta sa main estate. Tinawag ko itong Twina Mansion, named after my own constellation — Gemini, the twins. A symbol of duality… and now, of new beginnings. Habang umaandar kami papunta sa mansion, dinig ko ang mahinang ugong ng electric motor at ang banayad na ihip ng hangin mula sa dagat. Sa bawat tanawin — ang mga palm trees na naka-align sa driveway, ang marble fountain na hugis constellation, at ang mga ilaw na kumikislap sa gilid ng daan — ramdam kong ito na nga ang tahanan kong pinangarap. Pagdating namin sa Twina Mansion, sinalubong kami ng ilang tauhan kong naunang dumating. Nauna na rin dito si Glenda, ang aking head of housekee

