Gemini's POV Pagkatapos naming lumabas ng holding room, dumiretso kami sa command center ng safehouse. Dinala na rin doon ang lalaki na nagngangalang Binu upang makuha ang kumpletong impormasyon tungkol sa Quezon City safehouse nila. Sa interogasyon, nalaman namin na ang boyfriend ni Elena ay partner ng isang kilalang notorious figure dito sa Pilipinas — isa sa mga lider ng drug syndicate at human trafficking ring. Siniwalat ni Binu ang lahat ng gawain ng kanilang grupo: mula sa illegal shipments, paggalaw ng pera, hanggang sa mga tauhan nilang nakapuwesto sa gobyerno. Habang nagsasalita siya, mabilis na nagtatype si Maxwell, inilalagay ang lahat ng impormasyon sa system para ma-verify ng ZCSS. Pagkatapos ng interogasyon, tumayo ako at lumapit sa main console kung saan nakatayo si Finl

