Cassian's POV Napangiti lang ako at marahan kung isinara ang pinto sa aking likod. Lumapit ako sa kanya, hanggang sa halos magdikit na ang aming mga katawan. Nang makita kong nagulat siya, lalo lang akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap makita ng ganyang reaksyon niya—yung namumula ang pisngi at mabilis ang paghinga. Damn, ang ganda niya. Napalunok ako habang dahan-dahan akong lumalapit. Nakikita ko kung paano siya napaatras hanggang sa sumandal siya sa pader. “Hindi ka sumagot,” bulong ko, mababa at may halong panunukso. Inabot ko ang buhok niyang nakalaylay sa pisngi at itinabi iyon, marahan para maramdaman niya ang dulo ng daliri ko sa balat niya. Ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanya, at halos marinig ko ang kaba ng kanyang dibdib. Kumilos ako nang daha

