Gemeni's POV Pagkatapos makipagkulitan ni Daddy sa amin, biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Cassian at bumungad si Doctor Ruiz. "Hello, Doctor!" masiglang bati ni Daddy. "Hello, Mr. Sullivan. Thank God, nagising na po kayo. But we would like to remind you to take things slowly and remain calm — hindi pa po tuluyang naghihilom ang mga tama ninyo sa bala," maingat na paalala ng doktor. "Okay, Doctor, don’t worry. Nandito ang apat kong prinsesa at ang reyna ko para alagaan ako," biro ni Daddy, at kita ko ang tuwa sa kanyang mukha. "Good to hear that, Mr. Sullivan," tugon ng doktor na may ngiti. "Thank you for keeping your word, Doctor Ruiz," sabi ko sa kanya habang nakangiti. "Walang anuman, Miss Gem," tugon niya. "Mrs. Sullivan, maaari ko po ba kayong makausap sa opisina k

