Gemini's POV Tumalon ako sa hagdan, hindi ko na inalintana ang sakit sa tuhod ko sa biglaan kong paglapag. Nanginginig ang kamay ko habang lumapit ako kay Cassian. Nakahandusay siya sa malamig na semento, duguan ang gilid ng ulo niya. “Cassian... Cassian please...” bulong ko habang inaalog ang balikat niya. Hindi siya gumagalaw. May dugo sa bibig niya. “Stay with me, baby. Please.” Dumating agad si Talon, may hawak na medical kit, kasunod ang dalawang combat medics. Nag-clear sila ng space sa paligid at agad sinimulan ang first aid. Si Talon, hawak ang pulse reader — nanginginig ang boses. “He’s alive... but weak. Mababa ang pulse.” “D**n it,” bulong ko, habang patuloy kong pinipigilan ang luha na gustong kumawala. Pinilit kong manatiling matatag, pero ramdam kong unti-unting nababas

