Gemini's POV Kinabukasan, nagising ako na may nakayakap sa aking tabi. Hindi pa rin ako sanay na may katabi sa pagtulog. Kagabi kasi, umakyat na ako agad sa kwarto ko matapos ang hapunan. Tumawag si Nola — kailangan daw akong makausap ni Elon. Alas-nuwebe ng umaga sa U.S., kaya mga alas-onse na ng gabi dito nang matapos kaming mag usap. Pagkatapos no’n, naglinis lang ako ng katawan, humiga, at nakatulog. Hindi ko na namalayan kung anong oras pumanhik si Cassian sa kwarto ko. Babangon na sana ako, pero bigla niya akong pinihit at hinila palapit sa kanyang bisig. Mahigpit niya akung niyakap, parang ayaw akong pakawalan. “Sweetpea, please… just ten more minutes,” bulong niya, medyo paos pa ang boses. “I’m still sleepy. We finished at 1:00 AM — me, my Dad, and Tito Zion. My brain’s still

