Gemini’s POV Dalawang araw na ang nakalipas mula nang dumating kami rito sa U.S. Agad kong naramdaman ang pangungulila sa aking mga magulang at dalawang kapatid. As for Aries, madalas naman kaming magkita kapag may mga modeling gigs siya dito sa States, kaya hindi ko siya masyadong nami-miss. Pero si Aqua… naaalala ko pa ang pag-iyak niya bago ako umalis. Gustong-gusto niyang sumama sa akin, pero hindi siya pinayagan ni Daddy dahil hindi pa tapos ang pasukan nila. Pinangakuan siya ni Daddy na pagkatapos niyang mag-Senior High, dito siya mag-aaral sa U.S. — kaya kahit papaano, huminto rin siya sa kanyang pag iyak. Flashback Limang araw bago kami bumalik ng U.S., natapos na ang lahat ng dapat naming ayusin sa Pilipinas. Kasama na roon ang system update sa company ni Daddy at ang meeting

