Chapter 2

1592 Words
Gumising ako ng maaga para makita kong umalis sila lola "babye po lola mag enjoy po kayo ah" sabi ko rito at humalik ako sa pisngi nya at niyakap sya "oo naman wag mo masyadong I-stress sarili mo dito apo" "I will be fine lola I can handle this po" "bye anak ingat ka dito ah" "yes mom yung pasalubong ko ah hehe" "oo naman di yon mawawala" sabi naman ni mommy n natatawa Sumakay na sila at umalis... Pumasok ako sa loob ng bahay ng may gumulat sakin sa pinto "callie!" "ay palaka!" "hahahahaha ang gwapo ko tapos palaka lang sinasabi mo sakin?" maktol nito "ano ba Francis ang aga mo nmn nang gugulo dito?" "tinulungan ko kasi si tatay nagpabuhat ng mga mangga si donya inez na babaunin nila sa pupuntahan nila" "wow ulirang anak" pang aasar ko dito "naka luto na daw pala si nanay ng umagahan mo tawagin mo nalang daw sya kapag ipaghahain ka na raw nya" "kumain ka na ba?" "hindi pa..." "tara samahan nyo ako ni nanay mo kumain" hinawakan ko ang kamay nito at hinili papuntang kusina "nay kain na po tayo samahan nyo po ako ni Francis"sabi ko kay nanay agnes.. Nanay din ang tawag ko sakanya simula pagkabata ko ay nandito na sila kaya parang pamilya na din ang turing ko sakanila " ehem" sabi naman ni francis na hanggang ngayon ay hawak ko pa din ang kamay "ay sorry" sabi ko at bigla ko itong binitawan "sige sandali anak at mag hahain ako" Dumiretso ako sa dinning table at nag hain na si nanay agnes ngunit dalawang plato lang ang nilagay nya sa dinning table "nay bakit dalawang plato lang po? Di po ba kayo kakain?" "sa kusina na ako kakain kayo nalng ni Francis ang magsama kumain baka maingay kayo at nagbabangayan ayaw ko mag saway sainyong dalawa" "hahah si nanay talaga di na po kayo nasanay sa kakulitan namin ni Francis" "ikaw lang naman makulit eh tahimik kaya ako" "wow talaga ba? Ginulat mo nga ako kanina don eh" "ay sorry na hahah sabi ko na nga eh makulit tayong dalawa" "yan ganyan lang para bati tayo" "oh tignan nyo di pa kayo nag sisimula maingay na kayo hahaha oh jan na kayo pupunta na ako sa kusina kapag may kailangan ka Anna iutos mo nalang kay Francis" "opo nay... Oh narinig mo si nanay ah iutos ko na daw sayo" "susundin ko naman agad basta ba lilibre mo ako mamaya sa bayan" "may kundisyon pa oo na pasyal tayo mamaya sa bayan mag dedeliver din yata ang mga trabahador ni lola ng mangga sa palengke kaya sama tayo" "sige" pag sang ayon nito sakin Kumain kami ng umagahan ni francis na magkasama asaran kami ng asaran at tawa ng tawa.. Pagkatapos kumain ay naligo din ago agad at nag punta kami na kami sa bayan. Habang naglilibot nakita ko nanaman si Ace na kasama yung babae kahapon sa simbahan. Kangiti silang dalawa at nag uusap. Ouch kala ko ba naka move on na ako...girlfriend nya siguro yun kasi lagi nyang kasama ehhhh... Nakita ko itong mag paalam sa kasama nya ng makita nya ako at lumapit sakin. "Hi Callien sorry pala kahapon naputol pag uusap natin" sabi nito Sus wala rin naman ako sasabihin sakanya bat kasi lumapit pa sya sakin kinakabahan lang ako at di mapakali "ayos lang ano nga pala yung tinatanong mo kahapon?" "oh that yeah I was about to ask you if you are still using your old phone number" "hindi na eh why do you want my number?" "callien I have to tell you something and I want to explain my side that day you saw me with Andrea" "uhmm sorry Ace okay na ako sa nakita ko at masaya na ako ngayon" "callien pls wala lang yung nakita mo noon dare lang ng mga barkada ko yon and it was planned dahil matagal na pala akong gusto ni Andrea pero hindi ko sya gusto wala akong nararamdaman sakanya barkada ko lang talaga sya." todo explain sya dahil ni minsan di ko sya pinakinggan. Matagal ko na pinag seselosan si andrea pero di naman sya lumalayo kahit sinasabi ko na nag seselos ako kay Andrea. " uhmm I don't know what to say but I have to go" sabi ko rito sabay talikod sakanya Naiiyak ako na ewan asan na ba si Francis bakit nawala sya sa likod ko bakit kasi nag explain pa si Ace... Baka... Baka mahal pa nya ako... Pero may girlfriend na sya ulit ng makita ko si Francis ay agad ko syang niyakap hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako "napano ka bakit ka umiiyak" sabi nito at binaba ang hawak nyang basket ng mangga Hindi ako nag salita "gago talaga yung mokong na yon ano bang sinabi sayo at umiyak ka uupakan ko na talaga yon eh!" sabi nito at gustong hanapin si Ace "wag na uwi na tayo please" "sige mauna ka na sa sasakyan at tutulungan ko lang ang mga trabahador mag baba pa ng ibang mangga tumahan ka na ah? Nandito lang ako para sayo" Hinatid nya ako sa sasakyan at medyo kumalma na ako ng konti at tumahan na sa pag iyak... Nang maka uwi kami ay agad nya akong tinanong kung ano ang nangyari "planado daw ni Andrea yung nangyari Francis ako lang daw talaga mahal ni ace" "oh edi magkakabalikan na kayo?" "hindi ko alam parang ayaw ko maniwala sakanya naalala ko ulit yung nangyari nung araw na yon ayaw ko na masaktan dahil sakanya Francis ang sakit sakit" "hay nako pumapangit ka lang wag mo na syamg isipin tara nalang at maligo tayo sa talon" "ang layo naman non ehhhh" isang oras lang naman ang lalakarin hanggang makarating sa talon na sinasabi nitong mokong na to "tara na isasapan (piggy back) nalang kita kapag di mo kaya mag lakad para malibang ka naman" "sige na nga pero mag dala tayo ng tanghalian natin para dun na tayo kumain" "ikaw talaga puro ka pagkain" pang aasar nito "sige mag dadala ako ng pagkain ko wag ka makikikain kapag nagutom ka ah" "eto naman ang sungit nakita lang si ano eh" "sinong ano sige aanohin kita jan" "tara na nga mag bihis ka na at kukuha na ako ng baon natin" Nag umpisa kaming maglakad at wala pang kalahati ang nalalakad namin ay naalala ko nanaman ang sinabi ni ace... Paano kung totoong planado ni Andrea ang lahat? Ano mangyayari? Naalala ko din ang dapat kong pagdesisyonan na bagay yun ay ang pag iistay dito ulit sa probinsya... Tuloy tuloy lang ako sa paglakad at nabangga ako sa likod ni Francis "aray ko ano bang ginagawa mo" "ang tahimik mo eh lumingon ako para tignan parang wala ka sa sarili mo at tumpak wala nga" "inaasar mo nanaman ako Francis ah" "lumakad ka na may diwa mamaya nadadapa ka eh iyakin ka pa naman" "oo na eto na" Nang makarating kami sa talon ay nakaginhawa ako... Ang ganda talaga dito sa probinsya ang daming pwedeng puntahan na ganito... "ang ganda talaga ahhhh" "sabi ko na eh na miss mo dito eh" "oo namiss talaga ang gandaaaaaa" Lumusob ako agad sa tubig at di ko inaasahang malalim ang parteng binabaan ko shet di ako marunong lumangoy "ahhhh Francis" sigaw ko dito at agad naman akong nilingon nito at nag mamadali akong sinagip "hinga okay ka na nandito na ako" sabi nito na malapit sa mukha ko habang ako naman ay nag hahabol ng hininga "sorry di ko nasabi na lumalim dito" "ayos lang buti at kasama kita at narinig mo ako agad" "maupo ka muna jan sa bato at aayusin ko ang tanghalian natin" iniupo ako nito sa bato at binalot ng twalya Kumain kami ngunit habang kumakain kami ay napansin kong hindi ito mapakali "bakit ba?" iritang tanong ko dito "Callie pangako mo na kahit anong mangyari hindi mag babago ang pakitungo mo sakin at di mo ako iiwasan" seryosong sabi nito "oo naman hindi" takang sabi ko dito "Callie gusto kita at sana payagan mo akong manligaw sayo" "wag mo nga akong lokohin" pabiro at kabadong sabi ko dito "mukha ba akong nanloloko?" seryosong sabi nito sakin Hindi ako sumagot at kumain nalang Habang pauwi kami ay hindi kami nag iimikan hanggang makauwi na kami... Agad akong naligo at nahiga sa kama. Naalala ko nanaman ang nagyari parang di ko maproseso lahat ughhhhh sabay sabay naman kasi bat ganito nakakabaliw Paikot ikot ako sa kama pero hindi ako makatulog naiisip ko pa din ang pag amin ng best friend ko sakin… paano to gusto ako ni francis kaya ko ba na kumilos na katulad ng dati? Kaya binuksan ko ang cellphone ko at tinext ito. To: francis “Francis sorry kung di na kita pinansin kanina ah… nabigla kasi ako sa sinabi mo sakin” Sinend ko it ngunit wala syang sagot marahil ay natulog na ito dahil sa pagod at malalim na din ang gabi… binuksan ko ang f*******: app ko at nag scroll scroll nalang.. maya maya pa ay nag reply na ito. “Ayos lang naiintindihan ko… wag mo na intindihin yung sinabi ko kanina basta kumilos ka nalang ng normal kapag nasa paligid mo ako aantayin kita kung kelan handa ka na” “Salamat francis ikaw talaga ang pinaka the best na kaibigan sa buong mundo” “Matulog ka na at wag mo na akong bolahin good night” At maya maya pa ay di ko namalayang nakatulog na ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD