SHEEN's POV
"Yaya bakit ngayon lang kayo ? muntik na akong tumawag ng security" pagalit kong sabi sa dalawang yaya ng kambal. They can't blame me ang kambal lang ang meron ako.
"Sorry po ma'am , e nangailangan din po kami na gumamit ng cr kaya di na po namin nakita si baby shannie" nakayukong paliwanag ni yaya linda.
"Sorry mom ." naiiyak si sha ng makita na galit ako. "Sorry mom " si ivan na nayuko din. Umupo ako sa harap nilang dalawa at hinawakan ang magkabilang pisngi nila.
"It's okay babies di naman ako galit . Mommy loves you very much kaya nag alala ako ,you know how much i love you, right? " ngiting sabi ko sa dalawa habang yakap sila .
"We love you too, mommy" sabay sabi nila at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. so sweet.
"Come on -lets go ,ninang jade is waiting , Yaya pakisunod na lang yung gamit ,thank you" baling ko sa nakayuko pa ring yaya ng kambal. Nginitian ko na lang sila para malaman nilang okay na di ako galit .If nagtataka kayo bakit may yaya ang kambal at parang di problema ang pera sakin ,yun ay dahil habang palaki ang kambal nakapag invest ako at lumaki yun.
Shannie Aphrodite restaurant (SA Restau)- yes sakanya na nakapangalan yan - ako pa rin ang namamahala. At kalat na yan sa luzon area .
IVAN GAVIN Clubs/bar - yan naman ay para sa lalaki kong anak. Clubs kasi alam kong kikita kahit anong mangyari ang ganyang negosyo dito sa pilipinas lalo na sa manila.
Malaki rin ang sahod ko sa kompanya na pinasukan ko. alam kung kung hindi akong magiging matalino sa pera mauubos ang lahat ng wala man lang ako na iinvest. Kaya napagpasyahan kong mag risk sa pilipinas.ilang trabaho ang pinasukan ko para lang makapag ipon at makapagpatayo ng negosyo. naging witress sa gabi at kung ano-ano pa.
For the past six years wala akong ginawa kundi magtrabaho for my twins future ,ayokong maranasan nila yung feeling na aayawan ng tao dahil walang wala. Madaming aapak sayo pag wala kang pera. At yun ang ayaw kung maranasan ng anak ko dahil kahit sino pa lalabanan ko pag anak ko na ang naagrabyado.
"Oh Beshy nasa earth ka pa ba, layo ng narating ng utak mo ah" sabay hampas ni jade sakin. Thanks to her siya ang sumundo samin kasama ang asawa nyang hot haha.
"Alam mo ang yaman mo pero sa pagsasalita lukaret pa rin" sabi ko sakanya at binalik ang tingin sa kambal ko na nasa tabi ko sa backseat
"Look who's talking haha beshy ang yaman mo pero maka lukaret ka." sagot nya sakin na nagpatawa sa asawa nyang nag dra drive ."Mag bestfriend nga kayo . Hon hayaan mo muna si sheen pagod yan sa byahe" sabi ni jason sa asawa nya.
Natahimik naman si jade habang nakatingin ng masama sa asawa nya hahaha loka talaga."Ninang are you pregnant po? You're fat po kasi" sabi ni sha na nagpatawa sakin at kay jason.
" baby sha hindi ako mataba ,sexy na buntis ako. At pag lalaki to ikaw gusto kong asawa nito ." jade na tumatawa at tumingin sakin." Ang ganda nang anak mo besh pero hindi alam ang pagkakaiba ng sexy at mataba." pabulong na sabi nito sakin kaya natawa ako.
"Ninang , shannie is off limit. " sabi nang anak ko protective sa princesa namin . Pagkatapos niyang sabihin yun ay sinuot niya na ang headset.
"Grabe yang lalaking anak mo sheen mana sa ama ,ganyan siya sayo nung high school tayo.Di tayo close nuon pero alam ko yung nangyayari . Mainlove ba naman sa beauty mo ang apo ng may-ari ng school natin. Syempre lahat nakabantay at isa na ako dun haha " tinignan ko nang masama si jade baka marinig ng kambal . Mukhang nakuha naman nito ang gusto kung sabihin kaya natahimik siya .
Kamusta na kaya siya ?
Galit pa rin ba sya sa pag iwan ko sakanya?
Namimiss niya kaya ako kahit minsan lang?
Haits I miss you , Gavin.