"O, GOOD mood ka na naman?" hindi pa man nakakalapit sa mesa kung saan siya nakapuwesto sa fast-food outlet na iyon sa loob ng isa sa dalawang mall sa lugar nila ay salubong agad ni Kuya Edgar. Preskong presko ang anyo nito sa light shirt at dark denim. Bitbit nito ang jacket. Umabot pa sa pang-amoy niya ang bango nito. Scent ng cologne o perfume, hindi niya sigurado. "Tini-text mo na naman ako. Bati na ba tayo?" ngisi nito. Ang bango nito. Ang uri ng scent na masarap dikitan. Hindi matapang. Kahit pa siguro yakapin niya ito at amoy-amuyin ay hindi siya magsasawa sa bango. Natigilan si Daisy bigla. Yakapin at amoy-amuyin? Saan galing ang naisip niyang iyon. Agad niyang ipinilig ang ulo para itaboy ang kalokohang naisip. "Nag-aaway naman tayo lagi, eh," sabi niya at binawi ang tingin. Na

