PAGDATING sa condo, nailigpit na Edgar ang mga iniwan nilang kalat. May oras ang usapan ng mga magulang nila at mga magulang ni Kuya Zeph kaya inako na lalaki ang pagliligpit. Nag-usap lang sandali ang tatay niya at si Edgar habang inuusisa naman ni Ate Ara ang trabaho niya. Umalis na rin sila agad. Mahigit tatlong oras din bago siya nakauwi. At malinis na ang condo pagdating ni Daisy. Ang housemate na nagbukas sa kanya, preskong presko na ang anyo—basa pa ang buhok habang abala sa sariling cell phone. “Sorry, iniwan lang namin ang mga kalat,” sabi niya at dumeretso na sa hagdan. ‘Bihis muna ako, ah?” tumuloy siya sa sariling kuwarto at mabilis na nagpalit ng pambahay. Kaagad din siyang bumaba pagkatapos pero wala na sa sala ang binalikan niya. Sarado na ang pinto

