Pagbaba ko wala na si Lewis ,saan kaya nagpunta iyon? Pumunta na lang ako sa kusina para tumingin ng makakain. "Baby?"- Lumingon ako ng tawagin ako ni Lewis. "Saan ka galing?"-tanong ko dito. "Ahm..tumawag kasi si Mommy,kakain daw tayo sa labas"-saad nito. "Ayoko ,dito na lang ako"-nagtatampo pa din ako dito. "Saka puwedi ba doon muna ako sa US?"- "Ha!ba-bakit?"-natatarantang tanong ni Lewis. "Gusto ko muna makasama sila Mommy, uuwi din naman ako dito"-malungkot na saad ko. "Si-sige pero pupunta rin ako doon"- "Bahala ka"-tamad na sabi ko dito. "Puwedi ba na tanggapin natin ang imbitasyon ni Mommy na kumain sa labas?- "Okay,maliligo lang ako"-paalam ko dito. Pagkatapos ko maligo gumayak na ako,nagsuot lang ako ng isang simpleng dress,nilugay ko lang ang mahabang buhok ko at n

