Chapter 2

1605 Words
Dahil sa stress sa trabaho, minabuting pumunta si Jack sa isang bar na pag-aari niya. Ang Ta Modd bar kung saan kakaiba ang mga inumin at mga pulutang ino-offer nila. Kilala sila sa specialty nilang Wet p***y at Lemon Puki. Ang wet p***y ay isang inumin na nasa shell na ginawang baso. Parang hinihigop mo iyon kapag iinumin. Ang lemon puki naman ay isang uri ng fresh shell na kapag pinatakan ng lemon ay kusang bubuka, nangingisay pa ang loob kaya masarap dilaan at kainin. Siyempre may iba't iba pa silang delicacies. Mga aphrodisiac na mga pulutan gaya ng skinny d**k na gawa sa ari ng kabayo at baby balls na gawa sa balot. May sandata ni hudas na luto sa ahas at iba pa. "Jack!" Masayang salubong sa kanya ng kaibigang nagma-manage ng kanyang bar. "Narito ka?" Nginisian niya ang kaibigan na si Lee Bhog. "Kailangan ko ng pinakamasarap na putahe, bro. Give me one, please," ika niyang kumindat sa kaibigan. Napailing naman si Lee Bhog. Kilala na niya ang kaibigan. Babae ang ibig sabihin nito. Bukod sa mga putahe ay may mga babae rin sila na nakiki-table sa mga customer. May mga sumasayaw rin sa gitna. Mga nagpo-poll dancing. Hindi basta-bastang bar iyon kaya nga lihim na si Jack ang nagmamay-ari ng negosyong iyon dahil siguradong pag-aawayan nila ng ama ang negosyo. High ang standards ng kanyang ama pagdating sa mga negosyo. Minamaliit nito ang negosyong iyon kung kaya't palihim siyang nagpatayo kasama ang kaibigan. "Sir..." Ngumisi si Jack nang lumapit sa kanya ang isang babae na sobrang puti at sexy. Mahaba ang buhok nito. Nakasuot lamang ng panty at bra na kulay pula. "Sit down," sabi niyang nang maupo ito sa tabi niya ay agad niyang nahipo sa hita. "What's your name?" tanong niya rito. Kanina lang ay kasama niya si Vajay Nah--pinaghalong pangalan raw ng mga magulang nito na si Vangie at Jay ang pangalan ng dalaga. Pero matatawag ba siyang babaero kung hindi siya makikitang kasama ang iba't ibang babae? Hindi talaga siya pumipirmi sa isang relasyon na totohanan. Gusto niya ay laro-laro lamang. Iisa lang naman kasi ang hinahanap ng kanyang puso at siyempre katawan. Ang Diyosa na nakaniig niya noong year end party nila. Tatlong buwan na ang nakararaan. Sinubukan niyang hanapin ang babae na iyon ngunit tila nilamon na muli ito ng dagat. Sa tuwina ay bumabalik-balik siya sa lugar baka sakaling magpakita ito ulit sa kanya ngunit wala talaga. Inaamin niya rin sa sarili na na-love at first sight siya sa babae. Kaya siguro hindi niya magawang makipagrelasyon. "Anong pangalan mo?" tanong niyang ulit sa ka-table. Mukhang baguhan ito dahil ngayon niya lamang nakita. "k**i po," sagot ng babaeng malamyos ang boses. Parang nang-aakit. "k**i, ang bango naman ng pangalan mo," sabi niyang tila suminghot pa. Pero iba naman ang naiimagine niyang k**i sa sinabi. Masarap kainuman si k**i. Iyon ang napansin ni Jack sa lahat ng babaeng naka-table niya sa bar. Game na game rin ito kahit halos tsansingan na niya. Tumataas ang kamay niya sa bawat haplos niya sa hita nito. "Want to join me tonight, k**i?" bulong niya sa babae. Sabay bigay ng mumunting halik sa leeg nito. Humagikgik ang babae at mabilis na tumango. Ang kamay nito ay dumantay na rin sa hita ni Jack na ngayon ay medyo tipsy na sa ininom. Hinila niya patayo ang babae. Magkaakbay sila habang kinuha niya ang telepono at tinawagan ang driver niya. Iiwanan na lamang niya ang porsche 911 niya sa parking lot ng bar. Ayaw na niyang magmaneho pa dahil baka ibang langit ang mapuntahan nila ni k**i. "Pepe, sunduin mo kami. I'll wait for you here at Ta Modd bar," utos niya sa driver habang kaakbay si k**i na muli niyang inamoy sa leeg. Habang hinihintay si Pepe ay pumasok muna sila ni k**i sa kanyang sasakyan. Dahil tinted iyon at madilim ang parking lot ay nagawa niyang hubaran si k**i ng panty para haplusin ang k**i nitong handa na sa pakikipaglaban. Para mas may access siya ay pinindot niya ang inuupuan nito para mapahiga ang upuan kasama ang babae. Pagkatapos noon ay bumaba siya para samyuhin ang k**i ni k**i. "Ow!" bulalas niya at napangiwi. Hindi niya akalain na ibang amoy ang maaamoy niya sa kiking nakahain. Ulam na ulam ang amoy. Parang paksiw na tilapia. "Jack...kainin mo na..." utos ni k**i sa kanya at napahawak pa ito sa kanyang ulo. Nagmatigas ang ulo niya nang itulak ng babae iyon patungo sa baba nito. "Bakit?" May pagtatampong tanong nito. "What's your feminine wash? Vinegar?" Inis na umalis siya harap ng dalaga at maayos na naupo. Nawala na ang mood niya sa naamoy. "Eh...kasi," mabilis na lumipad ang mga mata niya sa namumulang mukha ng babae. "Pinagpawisan ako riyan eh," ika nitong tila napahiya. Magsasalita pa sana si Jack nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang sipatin niya ang caller ay si Sue iyon. Nagtaka pa siya kung bakit siya nito tinatawagan. "Jack..." tawag sa kanya ni k**i na hinaplos pa ang kanyang braso. Tuluyan na siyang nawalan ng mood sa kanya kaya tinanggap niya ang tawag mula kay Sue. "Yes, Sue?" tanong niya bago sinenyasan si k**i na umalis na. Inirapan siya ng babae bago padabog na umalis. "Akala mo naman malaki! Tse! Sana huwag ka ng tayuan!" singhal sa kanya ni k**i bago padabog din na sinara ang pinto ng kanyang sasakyan. Alam niyang narinig iyon ni Sue dahil biglang humalakhak ito sa kabilang linya . "Malaki siya ses... super laki!" Saad ni Sue na tila lasing. Napakunot noo siya. Bukod sa boses ng babae ay rinig niya ang background ang ingay ng musika. "Where are you?" tanong ni Jack. Himala kasi na nagba-bar ang manang niyang sekretarya. "At bakit ka napatwag?" dagdag niyang tanong dahil himala rin na tinatawagan siya nito ngayon. Strictly business lamang dapat sila. Tsaka lang mag-usap kapag nasa trabaho. "Gusto ko lang sabihin na nakakapagod ka na, Sir. Magre-resign na lang ako!" sabi nitong sabay muling tawa. Parang baliw sa pandinig niya. "Fine! Mas maigi nga dahil sa dami ng kapalpakan mo, hindi kita mqgawang tanggalin dahil kay Mama. Maiging ikaw na ang mag-resign. Give me your resignation letter tomorrow. Bye!" sabi niyang pinatayan agad ito ng cellphone. Inis na inis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Nawala na rin pati kalasingan niya sa pagkawala ng mood niya sa gabing iyon. Aalis na sana siya nang mamataan niya ang isang babae na palabas sa bar. Napansin niya agad ito dahil sa manang nitong suot. Pasuray-suray itong naglalakad ni walang umaalalay. "Paanong makakakuha ng lalaki? Sinong lalapit kung itsura niya ay parang nakalabas sa baul ni Lola," pang-uuyam niya habang pinapanood ito. Palapit pa ito sa gawi ng sasakyan niya. Nasa telepono ulit ang babae nang matapat ito sa sasakyan niya. Binuksan niya kaunti ang kanyang bintana para marinig ang babae. "Sagutin ninyo!" bulalas nito. Napasandal pa ang kamay nito sa may pinto niya. Halatang lasing na lasing. "Busy mga tao... tawagan ko na nga lang ang kambal," ika nito. Nanatiling nakikinig si Jack sa babae. Hindi naman niya magawang paandarin ang sasakyan niya dahil nakasandal na ito roon. "Kan...Tot, sunduin niyo naman ako, oh." Muntik mapahagalpak sa tawa si Jack nang marinig ang pangalan na binanggit ni Sue. Ang sagwa kasi iyon. Pero nabura ang kanyang ngiti nang ma-realize niya na pati pangalan pala niya ay masagwa rin naman. Jack Cole. "Ate, anong pansundo namin sa iyo?" rinig ni Jack na sagot sa kabilang linya. Boses binatilyo iyon. Nakaspeaker na ang cellphone ng dalaga at ipinatong pa nito sa bubong ng kanyang sasakyan. "Mercedes, limo...kahit ano," sabi nitong nabubulol na dahil sa kalasingan. "Ate, iyong limo, may susunduin at ihahatid bukas ng maaga kaya nire-redy ngayon pa lang. Pangit kung iba-biyahe tapos ikaw ang karga," ika ni Kan na ang tinutukoy ay ang limo ng mga patay o sasakyan na gamit sa pagsundo at paghatid sa huling hantungan ng mga patay. "Ate, si Aling Mercedes hindi din puwede kasi hayun, di pa natigil kabubunganga..." si Tot naman iyon nang agawin nito ang cellphone kay Kan. May tricycle kasi sila alng Mercedes na kapit bahay nila na nahihiram ng kambal na si Kan at Tot. "Ate?" sabay na tawag ng kambal na Kan at Tot. Ngunit wala ng sumasagot. "Wala na, patayin mo." Maging si Jack ay nagtaka na. Nakasandal lamang kasi ang babae sa may pinto niya. "Hey!" sita niya rito nang hindi na siya makatiis. Mula sa maliit na bukas ng kanyang bibtana ay tinawag niya ito. Walang sumasagot. Napilitan siyang buksan ng dahan-dahan ang pinto. Nagulat siya at agad ulit na sinara iyon nang dumausdos ang babae sa semento dahilan upang maging balakid ito sa pinto at pag-alis niya. Walang nagawa si Jack kundi umikot para mapuntahan ang dalaga. Napabuga siya ng hangin at napatampal sa noo dahil natutulog na ang babae sa semento dahil sa kalasingan. "Hey!" Gamit ang mga paa ay sinubukan niya itong gisingin sa pamamagitan ng bahagyang paggalaw sa paa nito. "Hmmm!" Gumalaw naman ang babae 'saka bahagyang gumalaw ang ulo. Nagmulat ito ng mga mata. Ngayon ay nakatayo si Jack sa mismong harap ng babae. "Sabi ko nga malaki eh!" ika nitong napansin niyan sa gitna niya nakatingin. Nang mapunta ang tingin niya sa gitna niya ay agad niyang naitaas ang zipper. Bukas pa pala iyon. Ready na kasi siya kanina talaga. "Pero never kong matitikman!" Ewan ni Jack kung tama ang dinig niya. Hindi naman na kasi nagsalita ang babae at nahigang muli. Wala siyang nagawa kundi buhatin ito at ipasok sa kanyang sasakyan. May kaunting humanity pa naman na natitira sa kanyang pagkatao sa manang niyang sekretarya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD