MABILIS na lumipas ang mga araw at buwan ng taon. Dumating na rin ang pinakahihintay naming araw ni Boss Bryan. Ang aming graduation. Noong nakaraang buwan masayang ini-annouced ng aming professor na nakapasa kami at kasama sa ga-graduated ngayong taon. Sabagay kahit naman hindi kami makapasa o mapabilang sa mga estudyanteng may mga matataas na karangalan ay walang problema sa amin ni Boss Bryan. Dahil naghihintay na sa kanya ang posisyon bilang CEO ng kanilang kompanya at ako naman ang kanyang assistant secretary. Pero dahil mababait kaming anak nag-aral pa rin kami ng mabuti at ng sa gano’n kahit papaano may ipagyayabang kaming diploma sa mga tao.
“Ano wala pa ba si Mondragon? Hindi ba kayo nagkasabay na pumunta rito?” nag-alalang tanong ni Rena, ang bestfriend ni Boss Bryan. Kasama rin namin siyang ga-graduated ngayong araw.
Umiling ako habang tinatanaw si Nanay sa kanyang upuan. Mabuti nga at hindi na masyadong sinusumpong ang inay sa kanyang sakit. Nagpapasalamat din ako sa mag-asawang Mondragon at naibsan.ang pangamba ko kay Nanay.
“Sabi kasi niya kanina sa akin mauna na ako. Dahil kasabay daw niya ang kanyang parents papunta rito,” sagot ko at tinanaw ang gate ng gymnasium.
“Kapag hindi siya dumating with in thirty minutes. Mali-late na siya at baka masaraduhan siya ng gate,” pangamba ni Rena. Grabe talaga ang babaeng ito kung mag-alala kay Boss Bryan daig pa nito ang girlfriend ni Boss.
Tinapik ko sa balikat si Rena at masayang niyaya sa kanya-kanya naming upuan. Wala namang problema kung maka-attend o hindi si Boss Bryan sa aming graduation. Dahil wala naman talaga sa ulo niya ang mga ganitong bagay. Ang gusto lang no’n magpakasaya sa buhay at sa piling ng mga babae.
Bago ako umupo sa aking upuan. Tiningnan ko si Nanay sa kanyang upuan. Nagulat ako nang makitang kinakawayan ako nito na lumapit sa kanya. Napansin ko rin na parang nag-aalala si Nanay. Kaya kaagad akong naglakad papunta sa kanya. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.
“May masakit po ba sa inyo? Nahihilo po kayo?” nag-alala kong tanong kay Nanay at magaang pinisil ang kanyang kamay na nilalamig.
Umiling si Nanay. Tila nahihiya ito sa akin at sa mga taong nasa paligid niya.
“Hindi anak. Naiihi ako. Saan ba ang kubeta ninyo rito?” mahinang sabi ni Nanay sa akin. Tumingin pa siya sa mga taong nasa tabi niya. Ngunit busy ang mga ito sa pakikipagk’wentuhan sa katabi nila.
Nang marinig ko iyon. Hindi na ako nag-atubaling alalayan ang inay sa pagtayo. Kaagad ko siyang dinala sa comfort room ng gymnasium. Inalalayan ko siya papunta sa comfort room ng mga babae at saglit na iniwan doon. Hindi rin nagtagal lumabas ang Nanay na nakangiti.
“Kumusta po?” tanong ko at muling inalalayan siya papunta sa kanyang upuan.
“Okay na ako ’nak,” sagot niya sa akin. Bago umupo sa kanyang upuan.
Hinagkan ko si Nanay sa noo at saka nagpaalam dito. Tamang-tama pagbalik ko sa aking upuan ay nagsimula na ang programa. Muli kong sinulyapan ang upuan na nakalaan para kay Boss Bryan. Nadismaya ako nang hindi ko siya nakita doon. Nanghihinayang ako. Sana pang-dagdag memories naming dalawa ang araw na ito. Pero okay lang ’yon nandito naman si Nanay.
Tumayo ako nang tinawag ang aking pangalan at masayang naglakad sa upuan ni Nanay. Boung pagmamahal ko siyang inakay paakyat ng stage.
“Congratulations anak,” masayang bati sa akin ni Nanay. Isinout niya sa aking leeg ang dala-dala niyang garland.
Niyakap ko si Nanay at saka hinagkan sa kanyang noo.
“Para po sa inyo ’to ’nay. Kayo po ang dahilan kung bakit ako nagsumikap na makapagtapos sa aking pag-aaral.” Sabay abot ko kay Nanay ng aking diploma. Kitang-kita ko pa ang luha sa kanyang mga mata. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at magaan ko iyong pinunasan.
Ngumiti ang Nanay at saka niyakap ako ng mahigpit.
“Masaya lang ako ’nak.”
“Ito na po ang simula ng pagbabago ng ating buhay ’nay. Ipinapangako ko po na sisimulan ko na ang paghahanap kay Shiena.”
“Sana nga ’nak, makita mo agad ang kapatid mo.”
“Sisikapin ko po ’nay.”
Matapos ang programa agad kaming umalis ni Nanay. Dinala ko si Nanay sa isang sikat na restaurant at doon kami nag-celebrate ng aking graduation.
“Anak, ang mahal-mahal naman ng pagkain nila rito. Baka maubusan ka niyan ng pambayad. Ayoko maghugas ng plato,” pabirong sabi ni Nanay sa akin. Sabay tulak palayo sa kanya ng menu.
“Huwag kayong mag-alala hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon. Dahil ako po ang maghuhugas ng plato,” biro ko at sinabi sa waiter ang aming order.
“Anak, naman eh. Tara na’t umuwi.”
“Biro lang po. Maupo kayo riyan at mag-relax. Akong bahala sa lahat.”
Sampong minuto ang lumipas at dumating ang mga in-order kong pagkain para sa amin ni Nanay. Nanlaki pa ang mga mata ni Nanay nang makita kung gaano kadami ang in-order kong pagkain.
“Let’s eat na po. Ubusin natin itong lahat.”
“Ikaw na lang anak, ang umubos nitong lahat. Tama na itong pansit sa akin.”
Hinila ni Nanay ang isang platong Chinese noodle at iyon ang sinimulan niyang kainin. Napangiti na lang ako nang makita ko ang inay na nasasarapan sa noodles na iyon. Pinanay-panay kasi niya ang subo sa pagkaing iyon. Masaya talaga ako kapag nakikita kong nanunumbalik ang sigla at saya ni Nanay. Isa na lang ang hiling ko sa Diyos, ang tuloy-tuloy niyang paggaling.
Maya-maya at kumain na rin ako. Tahimik naming pinagsalohan ni Nanay ang mga pagkaing in-order ko. Pagkatapos naming mag-dinner agad nagyaya si Nanay na umuwi. Pagod na raw siya. Balak ko pa naman sana siyang ipag-shooping. Dahil nakita kong halos mga luma na ang mga isinusuot niyang damit. Hindi bali marami pa naman pangkakataong makasama siya sa mga ganitong.bonding.
LUMIPAS ang isang linggo. Natapos ko na ring asikasisuhin ang credentials ko sa university. Kailangan ko kasi iyon para maipasa sa Mondragon Corporation. Hindi pa rin kasi nagsisimula si Boss Bryan bilang CEO ng kompanya. Ako kasi sinabihan na ni Pinuno na mag-report sa Monday at magsisimula na rin akong mag-OJT sa kompanya. Blessing talaga sa amin ni Nanay ang pamilyang Mondragon. Kung hindi dahil sa kanila, baka sa kangkongan kami ngayon.
“Excited ka ba anak sa bago mong trabaho?” masayang tanong sa akin ni Nanay. Katatapos lang namin maghapunan at nasa sala kami. Sinamahan ko siyang manood ng paborito niyang teleserye.
“Siyempre naman po, ’nay. Sino po ba ang hindi sasaya? Na pinapangarap ko lang dati na makapagtrabaho sa Mondragon Corporation. Ngayon ay matutupad ko na,” masaya kong sagot
kay Nanay. Kinuha ko ang kamay niya at magaang pinisil. “Para po sa pangarap natin ’to ’nay.”
“Basta anak, lahat ng ibinilin ko sa iyo ay pakatandaan mo.”
“Opo ’nay, makakaasa po kayo.”
Matapos ang teleseryeng pinapanood ni Nanay ay nagpaalam na ako sa kanya. Niyaya ko na rin siyang magpahinga. Ngunit tumanggi ito. Mayroon pa raw siyang inaabangang Korean drama sa nasabing channel. Sinabihan ko na lamang si Nanay na huwag masyadong magpuyat. Dahil masama iyon sa kanya.
MAAGA ako nagising kinabukasan. Una kong ginawa ay nagluto ako ng almusal namin ni Nanay. Sinangag ko ang natirang kanin namin kagabi. Nagprito ako ng limang pirasong tinapa at naglaga rin ako ng itlog para kay Nanay. Matapos iyon ay kaagad kong inihain ang mga pagkaing niluto ko sa aming lamesa. Para anomang oras magising si Nanay ay nakahanda na ang mga pagkain.
Saktong alas-otso ng umaga nang ipatawag ako ni Pinuno sa kanyang kanang kamay na si Franco. Habang naglalakad kami papuntang mansion. Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na mainis dito kay Franco. Napakayabang kasi nito at punong-puno ng hangin sa katawan. Saka daig pa nito ang magmamana ng kompanya ni Pinuno.
“Kung hindi naman dahil kay Bryan, hindi ka matatanggap sa Mondragon Corporation,” sabi ni Franco. Tumigil pa nga ito at tiningnan ako ng may pang-uuyam, mula sa aking mukha pababa sa paa. Tila ba sinasabi nitong wala akong kakayahan magtrabaho sa ganoong kalaking kompanya.
“Wala kang pakialam. Kung gusto mo magpa-backer ka rin kay Pinuno, para makapasok ka sa Mondragon Corporation,” matapang kong sabi. Tiningnan ko rin siya mula paa hanggang sa kanyang mukha at saka maangas na nginisihan. “Sabagay ’yang ganyang mukha ay hanggang tagasilbi na lamang ni Pinuno. Hinding-hindi ka makakaapak ng Mondragon Corporation na hindi kasama ang Pinuno. In short alalay ka lang.”
Iniwan kong nakatanga sa tabi ng gate si Franco. Hindi niya ini-expect na sasagutin ko siya ng gano’n-gano’n na lamang. Kung noon pinapalamas ko ang pangmamaliit niya sa akin. Ngayon hindi ko na siya uurungan. Kahit pareho lamang ang katayuan namin dito sa mansion.
“Mukhang napuruhan mo ang ego ni Franco, ah? Tiyak matutuwa niyan si Boss Bryan, sa iyo.”
Hindi ko namalayan ang paglapit ni Sadam. Isa rin sa mga tauhan ni Pinuno at may lihim na galit kay Franco.
“Napakayabang kasi. Daig pa si Pinuno, kung makaasta.
“Sinabi mo pa. Kung makaasta akala mong tagapagmana ng trono!”
Magaan kong tinapik si Sadam sa kanyang balikat.at nagpaalam dito. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng mansion ay nasalubong ko si Boss Bryan. Sa ngiti nito mukhang alam na niya ang nangyari sa amin ni Franco.
“Good job. Hindi ko nagkamali sa pagpili sa iyo na maging bodyguard ko.”