Chapter 2 : Good bye, Pangasinan
NAPUTOL ang monologue ko nang marinig ko ang boses ni madam Chakalang kaya napasimangot ako. Sabi ko sa inyo madalas siyang panira ng moment.
"Magtrabaho ka na, Lorenzo! Aba! Sinasahuran kita rito at masasayang lang ang oras mo tapos pupunta ka na kay Indak!" reklamo niya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko kahit wala naman akong kuto.
Minsan talaga napapaisip ako kay madam Chakalang. Mukha siyang nagseselos kay aling Indak, eh. 'Di hamak na mas gusto ko sa isa kong amo na iyon kasi kahit masungit at strict ay hindi naman matapobre katulad nitong si madam Chakalang.
"Opo, madam Chakalang!" sigaw ko at pinanlakihan ako ng mga mata niya dahil sa tinawag ko sa kanya.
"Madam Chalang po!" pagtatama ko at nang may tao ang pumasok sa panahian ay nagmamadali akong lumapit dito.
"Magandang araw po! Anong atin?" salubong ko at matamis na nginitian ang lalaki---lalaki?
"Ang guwapo mo naman po!" bulalas ko at hindi ko na napigilan na puriin siya dahil sa sobrang galak. Chars.
Ang guwapo-guwapo niya talaga at mukhang mayaman pero hindi ko siya type at walang sparks. Sayang.
"Good morning," baritonong sabi niya at hindi man lang ngumiti. Masungit pala. Pero at least, bumati naman siya sa akin.
"May ipapatahi po ba kayo?" magalang na tanong ko sa kanya at pinasadahan pa niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
"Kilala mo ba si Joy Lorenzo?" tanong niya at tila dinadaga ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalang binigkas niya.
Ano ang kailangan niya sa nanay ko? Matagal nang namamahinga ang nanay ko at bakit may naghahanap pa sa kanya?
"Hindi, walang Joy Lorenzo rito," mariin na sagot ko at pinagtaasan niya ako ng kilay dahil sa tono ng boses ko.
"Sino ka ba? At ano ang kailangan mo sa taong iyon?" seryosong tanong ko sa lalaki.
"None of your business," masungit na sagot niya kaya napairap ako. Umalis naman na siya pero ang kaba ko sa dibdib ay hindi man nabawasan. Hindi naglaho.
Bakit nga ba may naghahanap kay nanay? Sino ang taong iyon?
NANG matapos ang oras ng work ko kay madam Chakalang ay dumiretso na ako sa karinderya at nagsimula nang magtrabaho.
At dumating naman si Anya, ang matalik na kaibigan ko. Ang patay na patay sa anak ng Mayor namin na hindi naman siya nito pinapansin, ever.
Isa pang suplado ang lalaking iyon. Eh, hindi naman ganoon ka-guwapo pero puwede na siyang maging friend ng lalaki kanina.
"Sam-sam, may good news pala ako sa 'yo!" humahangos na sabi niya sa akin at tagaktak na siya ng pawis sa noo at leeg. Tumakbo na naman ang isang ito kaya lumalaki ang butas ng ilong, eh.
Same age lang kami nito, eh. Maganda naman siya at mabait, may kaliitan nga lang. Nasa 5'0 lang siya pero cute, bagay sa kanya.
Siya rin ay hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan, kahit may mga magulang ang nag-aaruga sa kanya. Panganay siya at sa dami ng mga kapatid niya ay hindi na siya kayang pag-aralin ng parents niya.
Sa halip ay ginagamit na lang iyon sa gastusin nila sa bahay.
"What is it, Anya Belle Ersuelo?" maarteng tanong ko sa kanya. Full name niya 'yan. Ang ganda 'no?
"Ang taray naman ng English natin! Kung hinayaan mo sana si Martida ay baka ikaw ang Valedictorian natin sa high school at ikaw sana ang palaging Reyna Elena natin sa Pangasinan. Pero takot mo lang pala sa tatay ng bobitang iyon!" mahabang pahayag niya kaya napasimangot ako.
Heto na naman siya. Pilit na hinahalungkad ang nakaraan. Eh, past na iyon at ayoko nang maalala pa.
"Ang dami mong say. Ano ba ang good news na baon mo para sa akin?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya at nagsandok ako ng mga ulam sa plato.
"May pogi na galing sa Manila ang naghahanap sa nanay mo!" tila maiihing utas niya. Natigilan ako at mariin na tiningnan siya.
"Bunganga mo at baka bumalik pa iyon!" pangangaral ko sa kanya. Imbis na matakot sa akin ay bumungisngis pa ang gaga.
"Okay lang! Ang pogi-pogi no'n, eh! Pero sayang at hindi namin sinabing may anak si tita Joy at si Sam-sam iyon. Para na rin sa safety mo. Sinabi lang namin na patay na ang taong hinahanap niya. Mukhang naniwala naman," kuwento pa niya at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
What if may taong pinagkakautangan pala ang nanay ko? Chars, joke lang. Wala naman siguro. At kung iyon nga ay baka pilitin na nila akong ibenta ang eyes ko.
Pahamak...
PERO curious ako kung bakit... Kung bakit may naghahanap sa nanay ko. At ano nga ba ang dahilan?
Nanay, wala ka na sa mundo pero may mga tao pala ang naghahanap sa 'yo. Haba ng hair mo, nay.
"Sino raw?" tanong ko at muli kong binigyang atensyon ang mga ulam na ibebenta namin.
"Cyan Del Rosa raw ang pangalan. Ang pogi rin ng pangalan niya, 'no?" kinikilig na anas niya. Inirapan ko siya.
Lahat naman ay pogi sa kanya. Tse.
"Umuwi ka na nga sa inyo! Isturbo ka po!" sambit ko sa kanya at hinila ang buhok niya kaya napahiyaw siya dahil sa sakit no'n.
Nakagawian na naming gawin iyon. Kaya wala lang 'yan sa kanya.
"Hayon nga!"
"Pero saang parte ba roon ang good news na sinasabi mo? May naghahanap nga kay nanay at hindi pa natin kilala," supladang sabi ko.
"Good news kasi baka ang tatay mo pa--aray ko naman, Sam-sam, eh!" parang batang utas niya. Nilakasan ko kasi ang paghila ng buhok niya para tumigil na siya sa pag-andar ng bunganga niya.
"Wala akong tatay!" sabi ko and I rolled my eyes.
"Ah, ganoon? Eh, paano ka ginawa?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin.
"I'm a gift of God!" taas noong sabi ko at nag-chin up pa ako pero hinila niya lamang ang buhok ko kaya ako naman ang napadaing sa sakit.
"Magtrabaho na kayo!" Kahit na kailan talaga panira ng moments ang mga amo ko, ano? Kabanas, 'di ba?
"Pero baka mapapaaga ang pagpunta mo sa Manila para sureness kami na safe ka roon. Mas better na mawala ka muna pansamantala sa Pangasinan. May kutob kasi kami na babalik ang lalaking iyon. Kahit guwapo pa siya, eh mukha siyang delikado," malungkot na utas ni Anya.
Ito na ang matagal ko nang hinihintay. Ang makaluwas sa Manila para maghanap ng work doon at kung magiging mayaman na ako ay babalik ako sa Pangasinan!
Pero dahil sa nakita kong lungkot sa face ng kaibigan ko ay parang naglaho bigla ang excitement ko. Parang ayoko nang umalis sa lugar na ito. Gusto ko nang manatili rito.
Pero katulad nga ng sinabi ni Anya ay napaaga ang pagluwas ko patungong Manila, sa tulong ni kapitana at ang mayor na may galit sa akin.
Karibal ko kasi ang anak niyang si Matilda na pangalang gurang pa ang ibinigay niya rito kaya hayon, insecure na insecure sa akin. Kaya hayon nagkusang loob na pinalayas ako--I mean binigyan ng pera.
Excited pa ngang makaalis ako, eh. Kasi masosolo na ng anak niya ang atensyon ng buong mamamayan ng Pangasinan.
***
"Mag-iingat ka roon, ha? Susunod naman ako!" umiiyak na paalam sa akin ni Anya. Hindi na ako pinakawalan nito at todo makayakap sa akin.
"Eh, bakit umiiyak ka?" natatawang tanong ko sa kanya. Ayokong umiyak sa harapan niya kasi baka tuluyan na akong hindi aalis. Ayokong iwan siya, ayokong iwan ang mga taong naging mabuti sa akin. Lalong-lalo na ang alaala namin ng nanay ko.
Hindi man ako rito ipinanganak ay sa lugar na ito naman ako lumaki at nagkaisip. Pero may mga bagay rin pala na kahit gaano mo pa kamahal at importante sa 'yo ay kailangan mo munang bitawan.
Pansamantala.
"Eh, mami-miss kita!" sabi niya at natawa na lamang ako. Buong barangay namin ang naghatid sa akin sa daungan. Ang sosyal ko, hindi ba? May nag-iyakan din at ang tagal nang yakapan namin.
Sa kalagitnaan nang pagpapaalam namin sa isa't-isa nang biglang nahawi ang mga tao at sa gitna no'n ay iniluwal ang naglalakad na anak ng mayor.
Opo, kapatid niya si Matilda. Siya si Lazer Yan Fransico, ang engineer ng Pangasinan.
"At ano naman ang ginagawa mo rito, aber?" tanong ko sa kanya at pinagtaasan ko pa siya ng kilay.
Ako lang hindi takot sa kanya.
"SAM-SAM naman, eh. Pahamak ka masyado," rinig kong utas ng malandi kong kaibigan at hindi man ito tumigil sa kakaiyak niya kahit nasa harapan na namin ang crush niya. Ang bruha, nagda-drama pa.
"Take this with you, and if you need anything. Don't hesitate to call me, I'm going to Manila, too," walang bahid na emosyong wika niya. Sobre, hindi ko alam kung magkano ang pera na ibinibigay niya sa akin pero alam kong malaki-laki kasi makapal ang sobre, eh. At may calling card pa.
Tatanggihan ko pa rin iyon pero hindi nagpaawat. "Take it," utos niya. Yeah, tunog na nag-uutos talaga, eh.
"Salamat ng marami," tipid na ngiting sabi ko at nang umayos ako nang tayo ay humigpit ang yakap sa akin ni Anya.
Kaunti na lang at mumurahin ko na ito! Nakakahiya na siya sa crush niya!
"Anya..."
"Sam-sam." Siraulo, ginaya pa ako.
May malaking tao ang sumigaw na tutulak na raw ang barko. Kaya nag-first move na si Engr. Lazer at hinila ang braso nito saka niyakap sa baiwang.
Sa utak ko ay minura-mura ko na ang best friend ko dahil iyon pala ang balak niya! Want niya lang palang mayakap si engineer! Kaloka siya. Pero infairness, ha? May sparks sila.
Nagpaalam din ako sa kanila at ngitian sila. Sinigaw pa nila ang pangalan ko saka ako sumakay sa barko na bitbit ang isang naglalakihang bag ko.
Hindi sila umalis doon hanggat hindi nila nakikitang umalis ang barko kaya tahimik tuloy akong umiyak.
Sila na ang pamilya ko. Kaya...masama bang maging selfish dahil inuna ko ang sarili ko at kagustuhan ko?
Masama bang mangarap na sobra-sobra pa?
"Good bye for now, Pangasinan. Babalik po ako, nay..."