Habang naglalakad ako sa aming eskuwelahan biglang lumapit ang aking kaibigan na si Leanne.
"Angie tara tambay tayo doon sa may waiting area habang hinihintay ko sundo ko tapos si ate mo." Sabi niya. Kaya ako tumango na lang.
Ayun nagchikahan kami tapos habang nagchichikahan bigla napatingin si Leanne at sabi niya ang pogi naman daw nung lalaki ako naman napatingin nga parang hindi naman. Napatingin sa amin ung lalaki at nahuli niya kami na nakatingin sa kanya de puta kasi naman itong kaibigan ko. Nakita kung ngumiti ung lalaki de puta naman yun napakaassuming ah porket pogi daw. Sakto dumating na ung sundo niya at ung ate ko.
Fast forward na tayo kaya kinabukasan uwian na nakita ko siya sa may fire exit nakaupo at mag-isa pero kaninang break kasi nakita ko siya kasama mga barkada niya. Baka umuwi na mga yun. Kaya pinabayaan ko na tapos ganun ulet siya kinabukasan. Ganun ulet nung makalawa. At alam niyo ba habang tumatagal nagkakaroon na ako ng interest sa kanya. Hindi ko namamalayan na may namumuo na palang paghanga sa kanya. So eto nga papunta akong cr. Ayun nakita ko itong dalawang lalaki na parang bata na naghahabulan so yun nakita ko siya narinig ko pagtawa niya. At natawa rin ako kasi alam mo ung stress ka sa acads may mga tao talaga papatawanin ka kahit sandali lang.
At ganun ulet siya kapag uwian mag-isa tas nasa fire exit. Lalapitan ko sana siya subalit naduwag ako kasi ka babae kung tao tapos ako pa may lakas ng loob na lumapit sa kanya. Ayun nakita ko na tinawag siya nung teacher ko sa computer. Wait magkapatid sila? Di ko inexpect na magkapatid sila. Pero wait ano ulet pangalan niya. Shuta di ko narinig lapit lapit na nga nila sayang naman.
Hays shuta bakit ba interesado ka sa kanya? Crush mo na ba talaga siya? Hays ewan ko ba sarili ko di ko narin maintindihan. Everyday parang gusto ko siya laging nakikita. Yayain ko ung kaklase ko na lumabas para lang makita siya. Tapos isang araw nakita ko siya sa court nagbabasketball mag-isa tinitigan ko siya. Pinanood ko siya maglaro as in. Nagpapanggap akong bumibili ng delight pabalik balik para hindi niya mahalata. Ayun bigla na akong niyaya umuwi ng mama ko kasi sakto dumalaw siya sa school namin. Ngayon parang nacucurious na talaga ako sa pangalan niya kaya inistalk ko ung teacher ko na kuya niya sa sss pero wala siyang pangalan doon kaya nakakaistress ang suspicious niya tuloy.
Kinabukasan practice namin sa intrams. Sakto lahat ng estudyante nasa baba kaya chineck ko table nila kasi nga may pangalan kaya hinanap ko. At ayun nahanap ko. Ang pangalan niya ay Raiver Dela Cruz. Putek ampogi nung name. Kaya agad ko hinanap sss niya pero bigo di ko mahanap de puta naman itong lalaki na ito sobrang tago naman buhay nito. Kaya itong kaibigan ko na si Leanne napansin ata na sobrang seryoso.
"Uy Angie ang seryoso mo naman diyan." Sabi niya. May hinahanap kasi ako sa sss.
"Sino naman niyan?" Sabi niya.
"Si Rayver Dela Cruz." Sabi ko napalakas ata kaya itong mga katabi ko narinig nila.
"Kilala namin un ah bakit hinahanap mo siya? Sayang nasa kabilang grupo siya. Hala crush mo noh? Kaklase ko siya gusto mo pakilala kita?" Sabi nitong lalaki di ko kilala pero ayaw ko malaman niya noh.
"Hindi ko po crush ano po kasi nahulog niya po ID niya napulot ko. Babalik ko po sana sa kanya mismo." Sabi ko ayun na convince ko naman siya pero putek ah muntik na buti na lang.
Ayun natapos na practice namin. Umuwi na ako at napatili kasi nahanap ko na sss niya. Shuta sa wakas lakas ng loob na lang kailangan ko. Kaya nagchat na ako agad.
"Hi po kuya." Chat ko sa kanya pero di ako nireplyan 5 hrs na ako naghihintay kaya pinabayaan ko na baka busy or di pa nagshow sa messenger niya.
Fast forward
Five days na mahigit di pa rin ako nirereplyan nakakaputangina naman di ems lang. Hintay hintay lang tayo magrereply din yan. After so many days past, ayun di pa rin nagreply. Sobrang nakakalungkot sa totoo lang di ba ito gumagamit ng social media. Baka hindi nga 1 month mahigit na. Di ba gumagana ganda ko sa kanya di ems para kilala ka naman Angie. Ayun ganun pa rin. Kaya ifast forward na natin kasi kung ikwekwento ko pa mga nangyari na paulet ulet naman maboboring na kayo magbasa niyan.
Biglang tumunog cp kooooooooo. At napasigaw akoooo nggggg AYANNNN NA!!!!