““Prie? What happened? s**t! Halika nga rito,”” natatarantang wika niya rito as he carried her like a baby to the bed. Umungol ito ng ihiga niya ito sa kama. Kinabahan siya. ““Prie? Anong masakit sa’yo?”” tanong niya rito habang hawak ng isang kamay niya ang kamay nito, at ang isa naman ay hawak ang noo nito. ““What the f**k? You’re running a fever! Wait, I’ll just get your things then—”” Natigil siya sa pagsasalita ng hilain nito ang laylayan ng polo niya. Nang harapin niya ito, unti-unti itong nagmulat ng mata. ““No, please,”” she rasped at him. Her voice was so lined with pain that he had a trouble comprehending her at first. ““No…Just—just meds. Biogesic. Lagnat lang ito…sinabayan ng migraine…kaya…kaya hindi ako maka…makakilos.”” ““Pero mataas ang lagnat mo! You should be in the h

