““Ate Prie, I think I’m in love with you,”” mahinang sabi ni Dave habang nagsusuklay ng buhok si Prie na katatapos lang maligo. Napatigil si Prie ng marinig niya ang sinabi ng kinakapatid. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hahalakhak na lang ng malakas. Kung hindi lang niya iniisip na masasaktan ito kapag tumawa siya, gagawin niya talaga alin man sa dalawang iyon. ““Talaga?”” nakangiting sagot niya rito. ““Ako din, love kita. Sobrang love!”” Biglang nagliwanag ang mukha ni Dave na kani-kanina lang ay konti na lang ay hahalo na sa kulay old rose na bedsheet ni Prie. ““Talaga?”” Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Prie. ““Oo naman! Pagtiya-tiyagaan ba naman kita kung hindi?”” Nang sabihin niya iyon, lalong sumaya ang mukha ni Dave. Ni hindi man nito nahalata ang underlying na panun

