Malakas na pinindot ni Steven ang busina niya sabay harurot ng sports car. Muli niyang tiningnan sa rearview mirror niya ang sasakyan kung saan nakasakay si Shey. He was f*cking pissed off. Naiinis si Steven kapag nakikita niya ang kakaibang tingin ng lalaking kasama ni Shey dito. He knows it — that guy has feelings for Shey. It’s obvious. Halata iyon sa klase ng tingin na pinupukol nito kay Shey. Nagngingitngit ang kalooban niya, parang may mga kuko na pilit na kumukutkot sa dibdib niya habang pinagmamasdan kung paano nito tratuhin si Shey. Halata naman na matagal nang magkakilala ang dalawa base na din sa kilos ni Shey dito. May relasyon ba ang dalawa? "B*llshit!" mura niya. He wanted her. There was no doubt about it. Walang makakapagpabago ng isip niya tungkol kay Shey. He wanted

