Warning: This chapter contains scenes that some may find disturbing. Reader discretion is advised. Mabilis na winasiwas ni Anthony ang katana sa harapan niya pagkatapos sabihin ang oath nito— na ginawa sa laro. Napamura nang malakas si Shey. Hindi niya akalain na sobrang may sira pala sa utak ang Anthony Villaflor na ito— na ngayon ay kung ano-anong posisyon ang ginagawa ng mga sandaling iyon habang inaatake siya. "F03k." malakas na mura ni Shey nang tumama ang dulo ng katana sa gilid ng braso niya. Malaki ang pasasalamat niya dahil sa suot-suot niyang bullet proof leather jacket na bigay sa kanya ni Steven. May iba pang tawag doon ang binata ngunit hindi niya maalala kung ano iyon— basta ang mahalaga ay hindi siya nasusugatan kapag natatamaan siya ng baliw na ito. "Shey Nicolas—" T

