Hindi sigurado si Steven kung ilan minuto na siyang nakatingin sa cellphone niya. Nakatitig lang siya doon na parang naghihintay ng isang himala. "Why is she taking so long to reply?" naiinip na wika ni Steven habang nakatitig sa screen ng phone. Kasalukuyan pa rin siyang nasa headquarters ng THS—tinatapos ang mga ipinapagawa sa kanya ni Myshel para sa bagong kasong hawak nito, nang magpadala siya ng mga text message kay Shey. Gusto niya ulit makausap si Shey. He wanted to hear her voice. Gusto niya ulit maramdaman ang malambot na katawan nito. Lumipas ang limang minuto ngunit wala pa rin siyang natatanggap na sagot mula rito. He was getting irritated now. Sigurado si Steven na nabasa iyon ni Shey pero bakit hindi siya nito sinasagot? Kaya ba hindi sumasagot si Shey sa kanya dahil magk

