Nang marinig ni Shey ang tanong na iyon ni Steven ay walang emosyon na tinignan niya nang diresto ito. Hindi mapagkakaila na galit sa mata ni Steven habang matiim na pinagmamasdan siya nito. "That interview wouldn’t have happened if it weren’t for your stupidity, Steven." Nagsalubong ang kilay ni Steven sa sinabi niya ngunit mayamaya ay napabuntong-hininga ito. Halata na nakonsensya ito sa ginawa nitong pagganti sa kanya dati. "I'm sorry, Shey." Awtomatikong tumaas ang kilay niya. "Sorry?" "Yeah, sorry. I shouldn’t have done that." "Marunong ka pa lang mag-sorry?" He arched a brow at her. "You want me to say that again?" "No— I want you out of my life, Steven. Nakuha mo naman ang gusto mo, di ba?" Seryosong tanong ni Shey dito. "Bakit mo ito ginagawa?" "Out of your life?" nagsalub

