Surrender. That's the last thing Shey wanted to hear from Steven. What if I make you crawl.. for me? Make you beg just to surrender yourself to me? Hindi pa nito alam na walong taon na ang nakakalipas simula nang ibigay niya ang p********e niya dito? Na hindi man lang nito natandaan kahit na maraming beses na silang nagkita? Malamig niyang tinitigan si Steven. Bakas sa kislap ng magagandang mata nito ang matinding pagnanasa na angkinin siya. She could feel it in the way his hands moved from her arms up to her neck. Napakasensual nang paraan kung paano nito haplusin ang leeg niya. Steven used his thumb to stroke the side of her lips. Hindi rin nito itinago sa kanya ang ekspresyon ng mukha na gusto na siya nitong halikan. Lalo siyang hinapit ni Steven sa beywang niya para mas lalo nit

