"Why do I need that?" Kuno't-noong tanong ni Shey kay Nadine. Kasalukuyan silang nasa loob ng dressing room kung saan siya inaayusan ng make-up artist and stylist. "Geez, Lieutenant." naiiling na reaksyon ni Nadine sabay pisil sa braso niya. "Hindi naman makapal ang ilalagay na make-up sa'yo. Of course, you have to look natural. But—" turo nito sa ilalim ng mata niya. "Mukha kang isang linggong pinahirapan ng mga kriminal. Look at your eye bags!" Inalis ni Shey ang daliri ni Nadine na nasa ilalim ng mata niya. "Ayoko ng make-up. I don't want it— lalo't National Television tayo. And that's final." "No way, Shey!" Umikot ang mata ni Nadine. "Hindi maganda sa camera ang malaking eye bags. Don't worry, Lieutenant. Hindi ka magmumukhang cheap sa make-up na gagawin namin. Trust me." Malami

