"Lieutenant." Napatingin si Steven sa nakalantad na balikat ni Shey na ngayon ay nasa harapan niya. Gusto niyang burahin ang bakas ng hawak ni Adrian sa balat nito. He was f*cking frustrated and angry right now. Gusto niyang burahin ang mukha ng Adrian na iyon — but he decided not to do it today. Dahil ang babae ngayon na nasa harapan niya ang mas importante sa kanya. Ano kaya kung buhatin niya ulit si Shey— isampa sa balikat niya para umalis na sila sa party na iyon? Damn it! Ngayon pa lang para na siyang mababaliw. Muli ay matiim niyang tinitigan si Shey. It was the first time he had seen her in a gown and makeup. Literal na kinuha talaga ni Shey ang lahat ng atensyon ng kalalakihan sa party na iyon. She was glowing — and it did something to him he couldn’t control. Gusto ni Steve

