"No." Napataas ang kilay ni Shey sa narinig na sagot kay Steven. Kung kanina ay seryoso ang mukha nito habang abala sa laptop ngayon naman ay matiim ang mga tingin ang binibigay nito sa kanya. Pinag-krus pa nito ang dalawang kamay sa dibdib sabay baba ng tingin sa tiyan niya na may sariwang tahi at sugat pa. "Kagagaling mo lang sa opera, Shey." tinuro ni Steven ang swero niya na nakakabit pa. "You are not fully healed, pwede bumuka ang tahi mo sa gagawin natin." Kumunot ang noo niya. "Kaya ko ang sarili ko, Steven." Tumayo si Steven sa harapan niya. Nagulat siya nang hinawakan nito ang gilid ng tiyan niya kung saan ang sugat niya. And he deliberately pressed her wound lightly. Nalukot ang mukha ni Shey nang maramdaman niya ang kirot dahil sa ginawa nito. Tinapik niya nang malakas ang

