Pagkadating nilang dalawa ni Steven sa crime scene ay agad na bumaba siya sa sports car. As expected, naghihintay na sa kanya si Mike sa site. Napataas pa ang kilay niya nang nagkakandahaba pa ang leeg nito sa pagtingin sa sasakyan ni Steven. "Boss," bati ni Mike, hindi sa kanya nakatingin kundi kay Steven na ngayon ay nakasandal sa sasakyan nito habang matiim na nakatingin sa kanilang dalawa. "Sino kasama mo? Alam ba ni Captain 'yan?" Malamig na binalingan ni Shey si Mike, "Alam ba ni Captain Villareal na malapit ka nang lumipat ng departamento?" banta niya na ikinakamot ng ulo nito. "Nagtatanong lang naman, Boss." napakamot ng ulo si Mike. Dahil kilala na niya ang hilatsa ng mukha ni Mike, alam niyang hindi ito titigil sa pagtanong. "Gwapo, Boss, ah." muli nitong sinilip si Steven

