“Good morning mommy!” naka ngiting bati sa akin nin Lucy. “Good morning Lucy,” naka ngiting bati ko sakanya. Kaka gising ko lang pero agad na akong na ligo dahil balak kong mag punta ng palengke ngayon para mamili ng mga kailangan namin. Hindi ako bumibili ng mga karne at gulay sa supermarket dahil gusto ko fresh ang mga bini bili ko kaya sa pelengke ako dumi deretso. “You don’t have class?” tanong ko sakanya. “Meron po pero mamayang ten o’clock pa po, anyway mom you have a visitor po pala,” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango ako at dumiretso ako sa may sala kung saan tumakbo si Lucy. “Hendrick,” taas kilay na tawag ko sa lalaking naka upo sa may sala. Isang buwan din siyang nawala sa Tagaytay, hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo nag punta. “Coraline, missed me?

