“Nag punta rito si Arin?” tanong sa akin ni Camden pagka uwi niya. “Kaninang umaga, bakit?” tanong ko sakanya. Hapon na ngayon at maaga siyang umuwi galing sa trabaho. “Nothing, she just said sorry for all the things she did, and I assume she came here before texting me,” sagot naman niya sa akin. Nag isip isip naman ako sa ginawa ni Arin. Maybe I knocked some senses on her para mag sorry siya sa kuya niya, pero sana bago siya umalis ng bahay ay nag sorry man lang din siya kay Lucy dahil sa mga pinag ga gawa niya sa bata. “Anyway, bakit sobrang aga mo ngayon?” tanong ko sakanya. Tumingin naman siya sa akin bago sumagot. “Walang masyadong gina gawa sa company kaya umuwi na ako nang maaga,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sakanya at nag punta ng kusina para ipag hanap siya ng p

