NAPABUNTONG HININGA AKO matapos kong basahin ulit ang erotic literary column ng Heartthrob Magazine na Bedroom Voices. It was published six years ago but still, here I am. Reading it every time I missed him. Walang araw na hindi ko ito binabasa dahil sa paraang ito ko lang naaabot si 'Ray'.
O ang Raymund Forth ng buhay ko. Alam kong siya ang ray_thepleasureseeker dahil 'Damsel' ang madalas niyang itawag sa akin kahit na Ellaine Gervacio ang totoo kong pangalan. Tama siya sa simulang parte ng sulat. I was like a damsel in distress that time. Dahil doon ay iyon na ang naging endearment niya sa akin. 'Ray' naman ang itinatawag ko dahil nahahabaan ako sa Raymund.
Honestly, I liked it. Kinikilig nga ako sa tuwing tinatawag niyang 'Damsel' noon at hanggang ngayon, ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Napakaguwapo ni Raymund. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagustuhan niya ako at nasiraan siya ng ulo kakahanap sa akin.
It just too sad, marami nang nagbago. Ang kilig na iyon ay hanggang sa sarili ko na lang. Hindi na ako kagaya ng dating dise nuwebe anyos na waitress na inuuna ang kilig. Hindi na ako ang dating nineteen years old na babaeng namomoroblema kung papaano mairaraos ang pamilya, pagaaral at buhay. Isa na akong beinte singko anyos na malayo na rin ang narating.
Kahit hindi ko natapos ang finals noon dahil sa biglaang paghinto, nakapagtapos pa rin ako. Nalaman ng tatay ko ang lahat dahil hinanap siya ng parents ni Raymund. Galit na galit ang tatay ko sa akin. Malaking kahihiyan daw ang ginawa kong pagpatol sa boss ko para makapagaral kaming magkakapatid. Sobra siyang nasaktan sa panghahamak ng parents ni Raymund kaya pinagsabihan niya akong itigil na ang lahat.
Ipinaglaban ko si Raymund. Dahil doon ay na-stress ang tatay ko at muntikan ng magkaproblema ang operadong puso niya. Na-ospital siya dahil nahirapang huminga. Kinausap ako ng doktor at sinabihang bawal ma-stress si tatay. Puwedeng maging dahilan iyon para bumigay ang puso niya at ikamatay. Dahil doon, nagising ako. Natakot akong mawala ang tatay ng dahil sa akin. Doon ko rin na-realize na kagaya ni Raymund, baliw na baliw na rin ako sa kanya at hindi na inisip ang mga consequences nang pinasok ko.
At kailangan ko nang tumigil. Masakit at mahirap pero nakaya ko. Ginawa kong motivation ang kalagayan ni tatay. Naisip ko rin na tama siya. Bata pa ako at marami pang puwedeng gawin sa buhay. Hindi ko dapat pinaiikot ang buhay ko sa isang lalaki ng ganoon pa kabata. Anuman ang nararamdaman ko para kay Raymund ay lilipas din. Nangako din siya na igagapang ang huling semester ko para makapatapos.
Agad kaming umalis sa apartment at tumira sa isang barong-barong sa Payatas. Nakahanap naman ng trabaho ang tatay ko noon bilang company driver. Nagipon siya ng pang-enrol ko at pagdating ng pasukan ay naghanap kami ng ibang school. Na-carry naman ang mga subjects ko noon kaya naka-graduate din ako agad.
After that, I was hired in Le Monette Hotel as Marketing Officer. After two years, I got promoted as Marketing Manager. Pinadala ako sa Le Monette Hotel Dubai bilang Marketing Manager doon at kababalik lang ng Pilipinas isang linggo ng nakararaan para dito ulit ma-assign. Nag-resign na kasi ang manager ng hotel kaya ako na ang manager ngayon dito.
Sa loob ng mga apat na taong pagtatrabaho ko sa hotel ay nagawa kong tulungan si tatay. Napagaral ko ang dalawang kapatid ko na parehong nasa high school na at hanggang ngayon ay ako na ang umaako noon. Nabilhan ko ng maliit na house and lot sa isang simpleng subdibisyon ang pamilya ko. Katatapos ko lang din hulugan ang taxi ng tatay at sa ngayon ay pinapasada niya iyon.
Nagkaroon na rin ako ng sariling bahay sa kalapit na subdivision din. Iyon ang unang binili ko noong umuwi ako. Sasamahan din ako ni Efren—ang lalaking kapitbahay ni tatay na civil engineer at inirereto niya sa akin—na bumili ng sasakyan para hindi mahirapang pumasok sa trabaho. Marunong na rin naman akong magmaneho. Naturuan ako ni tatay noon at mayroon na ring lisensya.
Kahit ilang beses kong pagsabihan si tatay, makulit pa rin. Magmula ng maging stable ako ay hinahanapan na ako ng dates. Matitino naman ang mga lalaking nahahanap niya at nalalapit ang edad sa akin pero hindi ko gusto. Ilang beses ko rin iyong sinabi na ganoon din ang nararamdaman ko kay Efren pero mapilit si tatay. Si Efren ay tinapat ko na rin pero ayaw din papigil. Maghihintay daw siya hanggang sa magustuhan ko kaya hanggang ngayon ay panay pa rin ang pagpaparamdam.
Ito na rin siguro ang karma ko sa biglaang pangiiwan kay Raymund noon: ang hindi na makaramdam para sa iba dahil mukhang inangkin na talaga niya ang puso ko...
Sinubukan ko rin namang tumingin sa iba pero wala talaga. Naka-dalawang boyfriend din naman ako sa Dubai pero hindi rin nagtagal dahil wala akong makapang happiness. Kay Raymund ko lang talaga nararamdaman ang mga kakaibang init at excitement. Minsan, natutukso na akong puntahan siya at sorpresahin kagaya na lang ng ginawa ko noong Valentine's Day pero sa tuwing naiisip ko si tatay, naduduwag ako.
Oo. Duwag ako. That was the exact term. Pero masisisi ba ako? Sa tingin ko ay hindi. Buhay ng tatay ko ang nakasalalay na ayokong isugal. At dahil doon, nawala ang lalaking mahal ko. Alam kong wala na rin akong babalikan. Limang taon ng nakararaan. Imposibleng ipinapahanap pa rin ako ni Raymund ngayon. Kung hanggang ngayon ay pinahahanap pa rin niya ako, sana, nagkita kami sa hotel o nakarating na siya sa amin...
Pero wala. Pagkatapos lumabas ang ray_thepleasureseeker, wala na rin akong naging balita kay Raymund. Pakiramdam ko, the end na rin ng kwento namin kagaya ng nai-publish. Hinati ang kwento ng publishing iyon sa tatlong sequel dahil sa haba. Sinubaybayan iyon ng mga tao. Katatapos lang ng graduation ko noon ng maging trending iyon at na-curious ako kaya bumili din ako. Gulat na gulat ako sa nabasa ko pero sa huli, naiyak din. Overwhelmed ako sa message ni Raymund. My heart broke that moment too. Gusto ko siyang puntahan at paliwanagan pero natatakot ako sa puwedeng mangyari kay tatay kaya hindi ako tumuloy.
Napabuntong hininga ulit ako sa mga naalala at minabuting matulog. Maaga pa ang pasok ko bukas kaya nahiga na ako. At sa pagtulog ko ay dinalaw na naman ako ni Raymund sa panaginip. And just like what he always does, he was pleasuring me using his fingers and tongue...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Raymund!" bulalas ko at napabangon. Taas baba ang dibdib ko at pawisan. Napalunok ako at muling nahiga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napaungol ako ng maramdamang nanakit din ang p********e ko. Wet dreams. Madalas din iyong mangyari sa akin lalo na't may mga gabing hinahanap ng katawan ko si Raymund...
"Raymund..." anas ko at napapikit habang hinahaplos ang dalawang nanigas kong u***g. Muli, inalala ko ang paraan ni Raymund kung paano niya ako haplusin. Pinisil-pisil at hinila-hila ko ang u***g ko. Napaungol ako sa sarap.
I imagine Raymund touching me. Kagat ang ibabang labi, pinasadahan ko nang haplos ang panty ko. Napaungol ako ng maramdamang basang-basa na ako. Tiningnan ko ang palad ko at lalo akong naginit ng makita ang likido. Transparent iyon at malapot. Pero ramdam ko, kulang pa ang likidong inilalabas ng p********e ko. I knew I needed to release that. Hindi magiging maganda ang tulog ko kundi iyon ilalabas. I undress myself thinking Raymund was stripping me until I penetrated myself using my middle finger.
"Oh, Raymund..." naliliyong ungol ko habang dahan-dahang nagfi-finger at pinipisil ang kaliwanag u***g. Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa sarap at mainit na sensasyon.
Habang tumatagal ay painit na painit din ang kilos ko. I am rubbing now my c******s using my left finger while my right middle finger was busy coming in and out of me, thinking Raymund was banging me.
"Raymund!" sigaw ko at tuluyang sumabog. I was perspiring and breathing heavily. Taas baba ang dibdib ko at mariin pa ring nakapikit ang mga mata habang hinahayaang kumalma ang init ng katawan...
Nang humupa ang init, napabuntong hininga ako. 'Cause after that, I felt empty. God... I missed Raymund terribly...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ma'am, Ellaine. May gusto hong kumausap sa inyo. Si Sir Efren ho." bungad ng secretary ko na si Sunshine na nasa edad beinte uno. Isang taon ko na siyang secretary. Mabait at maasahan naman kaya nagkasundo kami. Kasama ko siya from Dubai at nang ma-assign ulit ako dito sa Pilipinas ay pinasama din siya ng kumpanya sa akin. Kilala din niya si Efren dahil ilang beses na siyang nagpunta sa opisina.
Napakamot ako sa noo. Hindi ko inaasahang dadaan si Efren dahil wala siyang pasabi. Napatingin ako sa relo at nakita kong malapit na rin ang out ko. Mukhang timing talaga ang pagdaan niya doon.
"Sige. Papasukin mo." pinal kong sagot at nagayos na ng mesa.
Tumalima na si Sunshine at ilang sandali pa ay pumasok na si Efren. He was wearing white polo shirt and jeans. Simple lagi ang gayak ni Efren. Nakangiti siya sa akin. Lihim ko siyang inobserbahan. Guwapo naman si Efren. Matangkad din. May magandang trabaho at hindi nalalayo ang edad sa akin. Good catch siya pero... wala talaga akong makapang feelings.
Napabuntong hininga ako. "Ano'ng atin?"
Lalo siyang napangiti. "Hindi ba't gusto mong kumuha ng sasakyan at nangako ako na sasamahan kita? Guess what. Nagkita kami ng dati kong classmate sa construction site. Malapit lang sa project ko iyong pinuntahan niyang client kaya nagkita kami. Agent siya ng mga sasakyan at nangako siyang bibigyan ka ng discount kung sa kanya tayo kukuha. Let's go. Let's meet him." aya niya.
Muntik ko nang matampal ang noo ko dahil nakalimutan ko na ang tungkol sa sasakyan. Pero tama siya. Gusto ko na talagang magkaroon ng sasakyan kaya hindi na ako nagdalawang isip. Naisip ko na malaking bagay din naman ang discount na makukuha namin dahil sa kakilala niya kaya sumama na ako pagka-out ko.
Habang sakay ng kotse ni Efren, panay ang kwento niya. Mukhang ayaw akong ma-bore. Tahimik lang naman ako. Ni minsan ay hindi ako nagpakita ng interest dahil ayoko magkaroon ng ibang interpretasyon iyon sa kanya. Kaya siguro medyo nagaalangan siya dahil ramdam din niya iyon.
Kaya hanggang ngayon, hindi niya ako madiretso. But still, it seems he was finding his own way how to get me. Kaya may mga pagkakataong pinupuntahan niya ako sa office at dinadalaw sa bahay. Hindi naman siya nagtatagal. Nagpaparamdam lang.
"We're here." anunsyo ni Efren nang pumarada kami sa isang kilalang dealer ng sasakyan. Bumaba si Efren at inalalayan ako. Agad na kaming pumasok sa loob at pinakilala ako kay Vien—ang agent at kaklase dati ni Efren.
"May tinatapos lang akong transaction. Mamili muna kayo ng sasakyan at babalikan ko kayo." nakangiting saad ni Vien at tumango kami. Umalis na siya. Iginala ko naman ang paningin ko sa mga displays hanggang sa napakunot ang noo ko noong may mapansing lalaki nakadukwang sa isang itim na kotse na two seater. Mukhang inuusisa niya iyon.
"Mukhang okay ito." ani Efren at hinila ako sa katabing kotse na kulay pearl white kung saan mayroong nakadukwang na lalaki. Napasama ako at doon naman tumuwid ang lalaki. Nakatalikod siya sa amin pero ang lakas agad ng kabog ng dibdib ko. Likod pa lang kasi, nahuhulaan ko ng si Raymund iyon...
"Raymund!"
Napaigtad ako ng may malakas na tumawag sa kanya. Boses ng babae iyon na galing sa likuran namin. Biglang lumingon si Raymund at ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko ng makumpirma kong siya nga iyon!
Ws