"Sigurado po ba kayong wala ng nakatira d'yan?" nanlulumong tanong ko sa isang matandang nakatira sa tapat ng dating bahay nila Damsel. Damn it. It was just three days ago since my birthday. I just woke up the next morning that Damsel wasn't at my side that time. I thought it was okay but... damn it!
Dalawang araw na niyang hindi sinasagot ang mga text at tawag ko. She left me again and I didn't know why. Akala ko, okay na. Kung kailan umamin na ako sa tunay na nararamdaman ko, doon naman siya biglang nawala. Nasisira na ang ulo ko talaga.
Ilang gabi na akong hindi makatulog. Masakit na ang ulo ko at halos sumabog na ang ulo ko kakaisip. I kept thinking where did I go wrong. Hindi ba niya nagustuhan ang ginawa kong pagtatapat? Lalo ba siyang naguluhan? Wala ba siyang tiwala sa kakayahan kong ipaglaban siya? Nakakasama din ng loob. Ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataong ipakita ang mga kaya kong gawin para sa kanya.
"Sigurado ako. Kahapon, may dumating na isang truck dito. Hinakot ang lahat ng gamit nila. Tinanong ko kung saan sila lilipat pero hindi ako sinagot ng tatay niya. Mukhang mainit ang ulo. Noong isang gabi, narinig kong may nagiiyakan d'yan. Baka kako, aalis sila dahil may gulo sa pamilya nila at kailangan lumayo," paliwanag ng matandang babae sa akin.
Binundol ng kaba ang dibdib ko. Napalunok ako. Ang daming pumasok sa utak kong ideya at hindi ko na alam kung alin doon ang totoo. Alam kong si Damsel lang ang makakapagpaliwanag sa akin. Pero nasaan siya? Wala! Hindi na niya ako nagawang iwanan ng maayos na paliwanag.
Nagpasalamat na lang ako sa matandang babae saka umalis. I drove off. I just didn't know where to go and where to start. Gusto kong hanapin si Damsel at kausapin. Kahit buong angkan niya, kakausapin ko. Kahit anong demand nila, gagawin ko. Huwag lang iyong ganito. I was really desperate and frustrated. Napakahirap para sa akin ang maiwanan ng ganito. Nakakabaliw!
Nag-decide akong pumunta sa bar para tingnan ang mga papeles ni Damsel. I was hoping to see some clue in there. Pagdating sa bar, dali-dali akong nagkulong sa opisina at hinalughog ang mga papepels niya. Napamura ako ng wala akong makitang provincial address niya. Nanghihinang napahagod ako sa ulo at gigil na napasabunot sa buhok.
Dinampot ko ang intercom para tawagin si Michelle. Pinatawag ko sa kanya ang mga waiter at waitresses na nakakakilala kay Damsel. Pagpasok nila sa opisina, halatadong kabado sila. Hindi ko sila masisisi. I looked like a messed. Wala pa akong tulog. Sobra na akong nagaalala. Isang maling sagot lang na marinig ko, siguradong sasabog na ang galit ko sa mundo.
"Anyone knows Damsel's whereabouts?" seryosong tanong ko.
Agad nagsipagilingan ang limang tao ko. Tinitigan ko sila ng diretso at gusto ko ng maiyak sa sobrang depresyon ng makita ko ang kaseryosohan bagaman nahahaluan ng takot na mukha nila. I know, they were saying the truth. Nakapanlulumo para sa aking makita iyon.
"S-Sir, ang alam ko... hindi na rin ho siya pumapasok sa university. N-Nakwento po sa akin ng kapatid ko na kaklase niya..." kinakabahang singit ni Wendy, ang isang waitress ko na mas matanda kay Damsel ng isang taon.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa kumpirmasyong iyon. Ilang beses ko ring inabangan si Damsel sa university pero hindi ko siya nakita. Para na akong lulubog sa upuan ko ng oras na iyon. Wala sa sariling pinalabas ko sila hanggang sa nanlulumong napayukyok na lang ako sa mesa.
"Damsel... nasaan ka na?" naghihirap na anas ko. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. I was really worried. Ngayon lang ako nahirapan ng ganito at alam kong mapapawi lang ito kapag nakita ko na si Damsel ulit. Mas nahirapan pa ako sa pagkawala niya kaysa sa pagtanggap ko sa galit ng mga magulang ko.
Bumalik na sila sa Canada. Last night, they called me and I told them that I was really serious about Damsel. Hindi na nila talaga nagustuhan ang determinasyon ko. Hindi ko na rin sila pinilit na tanggapin kami. Sapat na sa akin na nasabi ko ang damdamin ko. Ang mahalaga, nagmamahalan kami ni Damsel.
My brother didn't utter any word about that. Hindi rin siya nagtangka na usisain ako. Salamat naman. Kahit papaano, hindi siya dumagdag sa problema ko.
Napaigtad na lang ako ng mag-ring ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon at nadismaya ako ng makita kong si Zack ang tumatawag. Hindi ko na sana sasagutin iyon pero napilitan ako dahil hindi niya ako tinigilang tawagan.
"What?" naiinis na sagot ko.
"Whoa! Are you okay, man? Ang init naman ng ulo mo," gulat na sagot niya.
Desperado akong napaungol. Saglit akong natahimik at nagisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang problema ko hanggang sa napatuwid ako ng upo dahil bigla akong may naalala. "Wait. You knew some detective agency, right?" tanong ko. My heart was really hoping for his answer.
"Well... yes. May ginawan kami ng ads tungkol sa isang detective agency. Why?" takang tanong niya. Gusto ko ng mapasuntok sa hangin dahil sa tuwa. Mabuti na lang talaga, naalala ko na nakwento niya sa akin noon ang tungkol doon.
Hindi na ako nagdalawang isip. Hindi ko na hahayaang lumampas pa ang pagkakataong iyon. Whatever he might say, I explained to him everything. Pigil hiningang hinintay ko ang sagot niya.
"I was right after all. You have a thing for that kid," sagot niya matapos akong magpaliwanag. Parang nakikita kong nakangisi pa siya.
Nagpanting ang tainga ko. "She's not a kid. Yes, she's too young for me but she's not a kid or a minor. Will you stop pointing that out? Kung hindi mo ako tutulungan, okay! Hindi ko kailangan ang insulto mo," mainit na ulong sagot ko. Nakakapaginit naman talaga. Kung makapagsalita, parang menor de edad ang pinatulan ko. Nakakainsulto. Problemado na nga ako, makakarinig pa ako ng ganoon...
"Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Tutulungan kita. Kaibigan kita, eh." Napapahiyang sagot niya saka napabuntong hininga. "I'm sorry, okay? Para makabawi ako, sagot ko na ito. Just give me her details. Ako na ang kakausap sa detective agency na kilala ko," pampalubag na loob na sabi niya.
Napabuga ako ng hangin. Naiinis man, hindi na rin ako tumanggi. I felt I was running out of time. Baka tuluyan ko ng hindi makita si Damsel kundi pa ako kikilos.
"Okay. I'll scan her papers and send it in your email. Hintayin mo na lang," bilin ko sa kanya.
"Okidoki. 'Ngapala. Mamayang gabi, huwag kang mawawala ha. House party ni Menchie," paalalang tukoy niya sa ex-girlfriend niya sa akin.
"Titingnan ko," noncommittal na sagot ko. Bago pa siya makaangal, tinapos ko na ang tawag. Wala na rin akong panahon para sa mga gimik-gimik na 'yan. What I really want is to see Damsel again.
I prepared her papers and send it to Zack. Napabuntong hininga na lang ako at lihim akong nagdasal na sana, magkaroon ng magandang bunga iyon. Huminga ako ng malalim at inisip muli si Damsel kung nasaan na kaya siya ngayon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pare, pasensya na talaga. Hindi daw siya mahanap nila Detective Romy," malungkot na saad ni Zack sa akin habang ibinababa sa harapan ko ang brown envelop na naglalaman ng mga impormasyon ni Damsel. Ipinakilala sa akin ni Zack si Detective Romy isang buwan ng nakararaan. Siya ang naghanap kay Damsel.
Para na akong robot sa loob isang buwan. It was really hard for me. Gigising ako sa umaga at maalala kong wala na si Damsel. It was breaking me pieces by pieces. Minsan, naluluha na ako sa sobrang kakaisip sa kanya at pagaalala. At habang patagal ng patagal, doon ko pa natutuklasan kung gaano ko siya kamahal.
I was really nothing without her. Parang hindi na ako nagfa-funtion ng tama. Parang... namatay ako. Ganoon talaga siguro kapag bigla ka na lang iniwanan ng walang paliwanag. Nakakasira ng bait. At lalo pang nasira ang ulo ko nang hindi ko na matawagan ang cellphone niya. Unattended na iyon. Tuluyan ng naputol ang nagiisang bagay na nagiging koneksyon ko sa kanya.
Dahil sa sobrang sama ng loob ko sa sinabi ni Zack, tinungga ko na ang isang bote brandy na nakalapag sa harap naming magkakaibigan. Gumuhit ang mapait na likido sa lalamunan ko. Masakit tanggapin iyon sa sikmura. Mahapdi. Maasim. But I didn't give a s**t. Mas matindi ang pait na nanggagaling sa puso ko gawa ng matinding sakit ko sa lahat ng nangyayari.
Nasa bahay kami ni Zack. Nandoon din si Zedd at malungkot siyang nakatingin sa akin. Hindi na nila ako ininsulto o inasar sa natuklasan nilang pangyayari sa buhay ko. Naging tikom ang bibig nila at salamat naman. Ayoko nang makarinig pa ng panibagong panlilibak sa ngayon.
"Pare, itigil mo na 'to. Mahirap hanapin ang taong nagtatago..." seryosong sabi ni Zedd saka ako tinapik sa balikat.
"Putsa..." naluluhang anas ko. Biglang pumait ang panlasa ko sa sinabi nila. "Nagtatago? Bakit niya ako tataguan? Wala naman akong gagawing masama sa kanya..." nanghihinang sagot ko saka napailing ako. Labis na nakasugat iyon sa puso ko. "P-Papaano ko ititigil 'to?" mapait na anas ko at marahas kong pinunasan ang mga mata ko.
Napabuntong hininga sila. Nawawalan na ako ng pagasa pero naisip ko, maraming detective agency sa buong Pilipinas. Gagastos ako para makita si Damsel at wala akong pakialam kahit masaid na ang ipon ko.
Nanahimik akong uminom. Halos hindi na ako makagulapay sa kalasingan at nagising na lang ako kinabukasang nakabulagta sa sofa ni Zack. I am all alone just like before. Hungkag na hungkag ang pakiramdam. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa hangover. Napaungol akong bumangon saka itinukod ko ang ulo ko sa dalawang palad ko at napayukyok sa tuhod ko.
I prayed again. Nakakahiya man sa diyos, lumapit ulit ako sa kanya at kinulit siya. Siguro, pinarurusahan na niya ako dahil sa mga naging kalokohan ko sa babae. Gusto kong matawa sa sarili ko. I was once a pleasure seeker. I hunt pleasure every night, I chased adventure. And now, I am still seeking. I want to chase my Damsel, the pleasure I only want to have forever...
"Damn... hindi ako papayag sa ganito." Determinadong sabi ko sa sarili ko saka tumayo. Napuno ako ng kakaibang uri ng determinasyon. Yes, I was a pleasure seeker and I will never stop seeking for the only person I want to be with. Maraming paraan at gagamitin ko ang lahat ng iyon.
Nagayos muna ako ng sarili ko bago lumabas ng bahay ni Zack. Alam kong pumasok na siya sa trabaho at hindi na ako ginising. Dati naman naming ginagawa iyon kapag nalalasing ang isa sa amin.
Umuwi muna ako at naligo. Pagkatapos noon, naupo ako sa harap ng pc ko at nag-search sa internet ng mga detective agency. Gumawa rin ako ng sampung kopya ng mga impormasyon ni Damsel. Id's, pictures, her resume, certified true copy of grades and everything. Lahat ginawa ko at isa-isang dinala sa lahat ng detective agencies sa buong Metro Manila. Sa huli, iisa lang ang sinabi nila: maghintay na lang ako ng balita at tatawagan agad kapag nahanap nila si Damsel.
I waited. Araw-araw, naghihintay ako ng balita. Gabi-gabi, nakatanga ako sa cellphone ko at umaasang isang gabi, tatawag o magte-text si Damsel. Oras-oras, nagdadasal ako na sana, nasa mabuting kalagayan sila ng pamilya niya at kumakain ng maayos. Naging ganoon ang sistema ko sa loob ng limang buwan.
Pero walang naging balita kay Damsel. Iisa din ang naging sagot nila: nahihirapan silang makita. Ang mga ganoong cases daw, madalas umaabot pa ng taon bago pa mahanap at ang iba, hindi na rin talaga nakikita sa galing magtago.
Ang laki na ng ginastos ko pero hindi pa rin ako sumuko. Umupa pa rin ako ng isang detective agency para hanapin siya. It's been six months already. I was so heart broken. I hurt's me to core but still, I don't want to give her up...