**After Three Months** "Nasaktan ka lang uy,pero bat mo naman idadamay ang trabaho mo mahirap na humanap ng trabaho ngayon porke ba sa kanya ang paaralan na pinagtatrabahuhan natin eh magiging bitter kana" "Hindi ako bitter ah!ayaw ko lang ng may kaugnayan sa kanya"sabi ko kay Rica. "Ayaw daw oh,ang sabihin mo affected ka parin kahit three months na kayong di nagkikita aminin mo" "Hindi sa ganoon,ayaw ko lang ng may nagpapaalala sa akin,lalo na't pag aari niya ang paaralan na to" "Kailan mo balak magresign" "Nakapagresign na ako kanina pa"sabi ko habang inaayos ko ang mga gamit ko. "Bahala ka nga,paano ka na niyan dika ba nag iisip bansot dapat nga may trabaho ka dahil dika na nag iisa dalawa na kayo" "Anong dalawa na pinagsasabi mo diyan nag iisa lang ako" "Eh paano na yang nasa

