Chapter 12

2770 Words
Umuwi ako sa bahay muna para kumuha ako ng mga ilang gamit.Mag stay muna ako sa condo ni father,diko alam kung anong itatawag ko sa kanya. "Sir oh father?ano kaya kung King na lang ang sarap siguro pakinggan"kinakausap ko ang aking sarili na para bang ako'y nababaliw at kinikilig.Ngumingiti pa akong mag isa ang weird ko talaga ngayon ewan ko ba. "Kasalanan ito ng paring yun eh" halos mapatalon ako sa gulat ng may humawak sa likuran ko. "Aahhhh!!! multo!!"sigaw ko saka ako tumakbo,biglang may nagsalita sa may likuran ko at yun ang kinagulat ko ng husto. "Anong itsurang yan,para kang kitikiti na di mapakali akala mo sinusundot ka at pangiti ngiti ka pang mag isa ito ba ang epekto ng pag iwan ko saiyo huh Mae!" sabi ni mama. "Akala ko kasi multo eh,saka dika nagsasabi kung kailan ka babalik nanggugulat kayo eh. Saka ano itong ginagawa niyo?aalis kayo na di nag papaalam at uuwi din na di nagsasabi at sumusulpot na lang kayo bigla!". "Aba, ako pa may kasalanan may buhay din ako gusto ko rin magrelax,bakit kayu lang bang mga kabataan ang pwedeng magsaya!" "Mabuti naman at nakauwi na kayo,namiss ko kayo mama"sabay yakap ko kay mama. "Wala ka bang pasok ngayon bat andito kana sa bahay ng maaga?"tanong ni mama. "Mah,dimo ba tatanungin kung kamusta na ako?" "Mukhang maayos ka naman ah,at para ka ngang baliw diyan na pangiti,ngiti kala ko nga nabaliw ka na dahil sa pagkawala ko" "Mah naman,parang balewala ako sainyo ah" "Tumigil ka nga ano pala ang nginingiti mo kanina,may magiging manugang na ba ako?" Bigla tuloy akong nasamid sa gulat sa sinabi ni mama. "Mah,ilang beses ko bang sasabihin sainyo wala akong balak mag asawa sakit sa ulo lang yan" "Kaya kita iniwan dito mag isa para maranasan mo ang lungkot ng walang kasama at mapagtanto mo na kailangan mo pala ng magiging katuwang sa buhay" "Mah,tigilan niyo na ako dahil wala rin patutunguhan ang usapan natin na to,kararating niyo lang yan na agad ang ipapasalubong mo sa akin?" "Hay naku diko alam ang gagawin ko saiyong bata ka,eh kung makipagblind date ka ulit" "Yan ang wag na wag mong gagawin mah ayaw ko na never!!" "Anak kailangan mo ito!" "Sige po mah papasok muna ako sa kwarto ko at kukuha ng gamit ko ilang araw akong mawawala may out of country work kami " "Hoy kararating ko lang aalis kana!"sabi ni mama. "Kailangan mah eh trabaho lang po ito,tutal andito na kayo" "Sige,pero kumain ka muna pinagluto kita ng paborito mo" "Thank you mah,makakain na rin ako ng luto mo ulit,mah marami ka bang niluto pwede ako magbaon mamaya pag alis ko" "Oo anak marami akong niluto sige ipagbabalot kita mamaya ng babaunin mo halika na kumain kana pagkatapos kwentuhan muna tayo bago ka aalis at maraming pasalubong saiyo ng kapatid mo" "Talaga mah sige po,namiss ko po talaga kayo!"masayang niyakap ko ulit si mama namis ko talaga siya medyo matagal din siyang nawala eh. Mga dalawang oras kami nagkwentuhan ni mama,bago ako umalis ng bahay.Iniisip ko kasi si sir King dipa siya kasi nakakain at nakainom ng gamot.kaya nagmamadali akong umalis ng bahay. Pagkarating ko sa condo niya,binuksan ko kaagad ang pintuan nagulat lang ako sa nakita ko.Nakita ko lang naman ang apat na lalakeng naggagwapuhan at ang titikas,saglit ako natulala.Pati rin sila natigilan sa pagsasalita ng makita nila ako. "Oh andito na pala si sister inlaw" pabungad na sabi ni Aldrin sabay tumawa ang kapatid ni sir King na si Louise,ngumiti ako ng matipid. "Magsitigil nga kayo! wag niyo nga siyang inaasar "inis naman na sabad ni Doc Clayton na andito rin.Si sir King tinitignan niya lang ako na halatang naiinis sa akin. "Where did you go?bat di ka man lang nagpaalam para di ako hanap ng hanap saiyo,pati tawag ko dimo sinasagot? don't tell me tinuloy mo ang makipagkita kay Troy!" dare,daretso niyang sabi. Natinginan lang sina sir Aldrin Louise at Doc Clayton. "Wow feeling husband na concern sa wife niyang umalis na di nagpaalam,uyyy Bro siya na ba?" pagbibiro ni Louise. "I smell something fishy" sabad ni Aldrin. "Aray!!!"sabay na sigaw ni Aldrin at Louise dahil binatukan sila ni Doc Clayton at King. "Don't make fun with her!"sigaw niya sa kanila. "Mga baliw kasi kayo eh,mamaya aalis si Mae wala ng mag aalaga dito sa bugok na to"sabi ni Doc,kaya nanahimik lang silang dalawa. "Dimo pa ako sinasagot,did you see him?" dahil sa inis ko,diko rin namamalayan na inisin siya. "Oo,may masama ba doon,kaibigan ko naman siya"sagot ko sa kanya. "What?did I say to you iwasan mo siya,dimo siya kilala ng lubusan, don't make me repeat again wag ka ng makipagkita sa kanya" "Bakit ba,wala naman ginagawa yung tao ah,saka wala kang karapatan na panghimasukan ang buhay ko dahil boss lang kita,di kita boyfriend oh asawa para pigilan ako sa gusto kong makita"inis ko rin na sagot sa kanya. "Wooh!! unbelievable!" nagrinig kong sabi ni Louise. "What did you say!"sigaw niya sa akin. "Sabi ko wal-" diko na naituloy ang sasabihin ko ng pumagitna sa amin si sir Aldrin. "Wait tama na,Mae this is your own good tama si King iwasan mo yung taong yun you don't know him" sabi ni Aldrin,kaya nainis ako dahil pinagkakaisahan nila si Troy eh mabait naman yung tao. "Ano ba problema niyo sa kanya eh mabait naman yung tao,bakit anong masama kung kaibigan ko siya,saka wala na kayong pakialam sa personal life ko"inis Kong sigaw sa sa kanila. "Wow! she's unbelievable I like you now sister inlaw"sabi ni Louise habang pinapalakpak niya ang dalawa niyang kamay. "Shup up! dipa tayo tapos Louise akala mo nakalimutan ko na ginawa mo kanina"sigaw niya sa kapatid nito. "Tama na yan Louise,parang dimo kilala yan pag nagalit kagaya ni Leon na parang lion pag nagalit sumasakmal yan".sabay hinila ni Aldrin si Louise sa may gilid. "Tumahimik na kasi kayong dalawa diyan,iwan natin muna sila para makapag usap ng maayos halika na nga kayong dalawa wag kayung tsismoso"sabay hinila ni Doc Clayton ang dalawa. "Mae,can you please listen to me,just stay away from him" "Di ako lalayo sa kanya pag dimo ako binigyan ng dahilan,sir!!" "Pag sinabi kong layuan mo siya just do it please!"medyo tumaas na ang kanyang boses. "Hangga't dimo ako binibigyan mg rason di ko siya lalayuan"saka ako tumalikod. "Ano ito paulit ulit lang tayo bat dika makakaintindi"sigaw niya sa akin. "Anong dahilan ko para layuan ko siya kung di mo rin naman sasabihin sa akin kung anong dahilan mo sir! sorry pero di kita masusunod" "What ever! do it what you want, binalaan na kita at di ako nagkulang,na pagsabihan ka, kung may mngyari saiyo wag kang lalapit sa akin!" "Bat naman ako lalapit saiyo!ano ba kita" saka ako humakbang papuntang pintuan. "Where are you going!"sigaw niya ulit sa akin. "Doon malayo saiyo!"sagot ko din sa kanya. Sabay binuksan ko ang pintuan at binalibag. Nainis talaga ako ng sobra,aalis na sana ako ng maalala ko ang bitbit kong pagkain na para sa kanya.Kahit inis na inis ako bumalik ako ulit sa loob,at nadatnan ko nanaman ang mga tsismosong mga kaibigan at kapatid nito na nag bubulungan,at bigla silang natahimik ng limapit ako sa kanila.Pabagsak kong binaba ang dala kong supot sa may center table sa mismong harapan niya. "Kumain kana,niluto yan ng nanay ko,hindi na yan nakakasuka"sabay umalis ako,hindi ko na sila nilingon. "Babalik na nga lang ako sa office,mainit ang ulo ko naiinis ako!babalik na lang ako mamayang gabi"sabi ko saka ako tuluyang umalis sa condo niya. ***King Alvarez*** Halos diko makontrol sarili ko sa pakikipag sagutan kay Mae,ang kinaiinisan ko ay ang madiin niyang pagtatanggol sa taong yun. Para akong umaapoy sa galit bakit kailangan niyang ipagtanggol ang taong di niya lubusang kakilala. "Di ako papayag na may masamang mangyari saiyo,ayaw ko ng maulit ang dating ngyari noon" diko mapigilan ang magalit ng husto kay Troy. "Ang cute niya bro para siyang batang pinagalitan dahil di napagbigyan ang gusto,lalo ng magdabog siyang paalis"sabay tumawa pa ang baliw kong kapatid. "Kaya nga eh para siyang highschool student na nagapapaalam sa daddy niya gumimik at di pinayagan,at nakakatakot ang itsura"sabay tumawa din itong Aldrin na ito. Samantalang itong si Clayton busy lang sa kanyang phone. "Magsitigil nga kayo,kung gusto niyong lumabas mg matino dito sa condo ko!" sigaw ko sa kanila. Masamang tinignan ako ni Clayton. "What!"sabi ko sa kanya. "Kung magalit at makasigaw ka parang dika pari ah,para kang si Lucifer umaapoy na mga mata mo,wag ka masyadong magsisigaw at kontrolin mo sarili mo,mga sariwa pa mga sugat mo mamaya magbubukas yang tahi mo sa tagiliran mo i***t!"sigaw niya sa akin.Di ako nakapagsalita agad, tama nga siya kanina pa sumasakit ang mga sugat ko dahil sa inis at galit at dinagdagan pa ng dalawang gunggong na ito na nagawa pang magbulungan. Nagulat lang kami at napatingin sa pintuan ng nagbukas ito. Bumalik si Mae,saka tumayo sa harapan namin,at saka may binagsak siyang may laman na plastic sa harapan ko. "Kumain kana,niluto yan ng nanay ko at di na yan nakakasuka" sabay umalis din agad. Di ako nakaimik agad,sinundan ko lang ang tingin ang paglabas niya sa pintuan. "Agad naman pinulot ni Louise ang plastic na may laman na pagkain. "Wow,mukhang masarap ito ah"sabay binuksan niya ito. "Don't you ever touch that one Louise!" sigaw ko sa kanya. "Ang damot mo naman share your blessing naman diyan"sabad ni Aldrin. "That's mine,kaya wag niyong pakialaman ang hindi inyo"sigaw ko ulit sa kanila,saktong tatayo ako pero di pala ako makatayo masyado dahil sumasakit ang mga paa ko dahil sa mga sugat nito.Wala na akong nagawa pa dahil diko na sila mapipigilan pa. "Don't worry we share with you"sabi ni Clayton.Kinuha niya ang wheel chair saka dahan,dahan niya akong pinaupo. "What is this, I'm not disable person para paupuin mo ako sa wheelchair"insin kong sabi sa kanya.. "Ang dami mo pang reklamo,bakit dika pa ba disable sa lagay mong yan,namuntikan kana gago,halika na at kumain kana ng makainom ka na ng gamot,tinaboy mo kasi yung nurse mo kaya kami muna ang mag aalaga saiyo" saka niya ako tinulak patungong kusina. Nadatnan namin doon sa kusina ang dalawa na hinahanda na ang pagkain na dala ni Mae. "Wow,ang dami niyan ah,saka mukhang masarap nasa lahi na ata nila ang magaling magluto kagaya ni April"sabi ni Clayton. Diko na maitago ang ngumiti,dahil si Mae di marunong magluto maliban lang kay April at sa nanay nila. "Bat ka ngumingiti diyan" sabi ni Aldrin. "It's none of your business"sagot ko sa kanya. "Really magaling silang magluto,wow swerte pala talaga ni Leon kay April,at swerte ka rin bro kay Mae dahil nasa lahi na nila ang magaling magluto"sabad ni Louise. Diko na mapigilan ang tumawa,at sa akin lang ang tingin nila. "What!"sabi ko. "Anong nakakatawa,para kang baliw" sabay sabay nilang sabi sa akin. "Diba kayo nakikinig sa sinabi niya kanina, na niluto ng nanay niya.At sabihin ko sainyo di siya marunong magluto" "So ano naman ngayon,pwede naman niya matutunan yan" sabi ni Aldrin. "Dami niyo pa sinasabi diyan let's eat, Louise feed your brother"utos ni Clayton kay Louise. Ako naman napangiti ako at ngumanga na ako para subuan ako ng ulupong na kapatid ko na ito. "Why me! gutom na ako,Aldrin subuan mo siya tutal dika pa gutom" sabay binigay niya ang plato na may laman na pagkain. "Dapat ikaw kasi ikaw kapatid niya at saka ngayon ka lang umuwi" sabay balik niya ang plato kay Louise. "What the fvck, nagtuturuan pa kayo diyan na pakainin yan eh gutom na siya"sigaw ni Clayton. "Bakit! di ikaw magpakain kung makautos ka eh wagas"sabay pa silang nagsalita. "Ako,ako lang naman ang doctor niya na taga utos kung anong gagawin niyo,feed him !" inis na sigaw ni ni Clayton ulit. Tinampal ko ang mesa sa inis ko gutom na nga ako ganito pa sila sa harap ko nag aaway pa. "Stop it!" tinignan ko ng masama si Louise. "Why are you looking at me"sabi nito. "Susubuan mo ba ako,oh hindi,kala mo diko alam kung bakit ka bumalik dito sa pinas dahil ubos na ang pera mo,pagsilbihan mo ako!kung gusto mo ng pera at credits card naintindihan mo"wala na siyang nagawa kundi subuan ako at asikasuhin.Natawa na lang akong pinagmamasdan siya habang naiinis,namiss ko ito ung lagi niya ako pinagsisilbihan at inaalagaan tuwing nalaalsing ako. Pagkatapos naming kumain umalis na sina Aldrin at Clayton,si Louise na lang ang naiwan dito sa condo ko. "Bat di ka pa lumalayas,umuwi kana" pagtataboy ko sa kanya. "Bro naman alam mo naman na wala akong matutuluyan kaya dito muna ako sa condo mo wag kang mag aalala aalagaan naman kita" "No!"sagot ko sa kanya. "Please bro!" "I said no,just go back home miss kana ni Mrs Lee at Mr. Alvarez kaya matutuwa sila pag umuwi ka,wag ka dito sa condo ko magkakalat ka lang" "No way ayaw ko sa bahay ibubugaw lang ako ni mommy bro,let me stay here". "No,just go back !" pagmatigas ko sa kanya. "Bro wag mong sabihin kay mommy na andito ako ng pinas" "Sorry huli na ang lahat alam niya na andito ka,kaya kung ako saiyo go home now,kung ayaw mong baril niya ang susundo saiyo" "What bro!wala kang puso ano ba ang tinuturo mo sa simbahan,huh pari ka ba talaga" "Wag mong questiyonin ang pagkapari ko dahil walang kinalaman dito ang pagpapauwi ko saiyo sa bahay,bilang nakakatandang kapatid ginagawa ko lang ito para sa ikakabuti mo" "Ikakabuti,wow ginagawa mo lang ito para ako isupalpal mo sa pag aasawa,bro maawa ka sa akin.Ayaw ko muna mag asawa napakabata ko para magkaroon ng pamilya dapat ikaw kasi nasa tamang edad kana" "Dami mo pa sinasabi just go home" "No,di ako uuwi"pagmamatigas nito. "Oh really ok it's up to you" Saka siya umupo sa may sofa at nahiga nagmatigas talaga siya ayaw umuwi. After ten minutes,may sumisigaw na sa may pintuan kaya napabangon agad si Louise mula sa pagkakahiga nito. Ako naman diko pinapansin ang sumisigaw sa labas ng pintuan,na para bang wala akong alam "Mommy!"sigaw ni Louise. "Louise! Louise!open the door now" "Bro,why is mommy here!"tanong niya sa akin. "I don't know baka naamoy ka niya!" sabay tumawa ako. "Are you kidding me!wala kang awa sa kapatid mo"sigaw nito sa akin ako naman diko siya pinansin. "Louise!open the door,wag mo ako ginagalit kung ayaw mong makalakad ng maayos"sigaw ni mommy sa labas. "Open the door ,wag mong antayin na barilin niya ang pintuan ko para lang mabuksan" utos ko kay Louise. "No!kailangan kong makaalis dito bago niya ako mahuli!" "Do it kung kaya mo"sabi ko sa kanya. "Your are a devil brother!" "One,two,thr--"dipa tapos ang pagbibilang ko ng natumba na ang pintuan ng condo ko.Ginamit niya lang naman ang baril niya para buksan ang pintuan.Buti na lang nakasilent ang baril niya kaya walang makaranig. Tumambad si mommy na may hawak na baril sabay ihip sa dulo ng kanyang baril.Dahil binaril lang naman niya ang pintuan ko. "See I told you,wala ka ng takas ngayon dahil bala ang hahabol saiyo pag tangkain mo pang tumakas" "Mom-m-y!" nauutal na sabi ni Louise kita talaga ang takot nito kay mommy. "Isang hakbang mo lang dika na makakalakad dont make me angry Louise"sigaw ni mommy.At di nga nakagalaw si Louise sa takot,diko mapigilan tumawa. "Anong nakakatawa huh King, explain now "sabi ni mommy. "What can I explain to you, di ka pa nga mag pasalamat at sinabi ko saiyo na andito na yang dora,dora mong anak"sabi ko kay mommy. "Hindi lang yan,wala ka bang di sinasabi sa akin" nakikita ko sa mata niya galit na ito kaya medyo kinabahan na ako. "What are you talking about,just say it"sabi ko. "Bro,bago ka sana nagsumbong kay mommy tinignan mo muna sarili mo nakalimutan mo na yata ngyari saiyo"sabi ni Louise. "For what!"ako naman diko pa makuha ang mga sinasabi nila. Di maalis ni mommy ang tingin niya sa akin. "Dimo ba talaga sasabihin ang ngyari saiyo oh nagmamaangan ka pa huh!what happen to you who did that to you King!" nagulat ako at di agad nakapag salita.Nasapo ko na lang ang noo ko,doon ko lang nakuha ang ibig sabihin ni mommy. "s**t!bat ko nakalimutan,dapat di niya a malaman ang ngyari sa akin bat diko yun naisip,Lord help me mukhang katapusan ko na ito"bulong ko sa sarili ko. "What!no one will talk, do you want me to shoot the gun in your mouths and you won't speak forever!" parehas kaming di nakaimik ni Louise. "Ipagdasal mo na lang bro ang ang kaligtasan natin"bulong sa akin ni Louise. "Shut up! this is your fault!"inis na sagot ko sa kanya. "The two of you pack your things and go back with me now!!" napapikit na lang ako dahil sa sobrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD