Chapter 10

3306 Words
Parang ayaw kong pumasok, dahil nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Diko kasi mapigilan ang bunganga ko pagsalitaan siya ng masama. "Hmm, basta diko naman na mabawi ang sinabi ko, panindigan ko na lang wala naman na akong magagawa" napabuntong hininga na lang ako,tinungo ko ang banyo para magbihis wala rin akong ganang kumain sa company na lang ako kakain. Nasa harapan na ako ngayon ng company namin. Halos diko maihakbang ang aking mga paa, para pumasok sa loob. Huminga ako ng malalalim para may lakas ako ng loob. "Kaya mo yan Mae tanggapin mo na lang ang mga sasabihin niya, dahil may kasalanan ka naman sa kanya" nasabi ko sa aking sarili. Saka ako tuluyang pumasok sa loob. Pero bago ako pumunta sa office ni sir King bumili muna ako ng paborito niyang milk tea. Kumatok ako sa kanyang opisina pero walang sumasagot, kaya binuksan ko na lang, pero walang tao. Kaya nilapag ko na lang sa mesa niya ang kanyang milk tea. Saka ako lumabas sa office niya, tinungo ko ang aking mesa kung saan malapit din sa kanyang opisina mismo. Ibaba ko na sana ang aking bag ng napansin kong may note na nakadikit sa may telepono ng aking mesa. "I'm in lunch meeting outside, go to the meeting room and join them" yan ang nakasulat sa sticky note. Diko alam pero bakit ako na lungkot, lagi niya kasi ako sinasama kahit saan siya pupuntahang meeting or ano mang business niya. Kahit nga sa mga kaguluhan na papasukin niya, kasama niya parin ako. Bakit ngayon umalis siyang di ako kasama, at di man lang niya ako tinawagan. kailangan pa ba niya isulat dito, sigurado galit siya sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi pumunta sa meeting room. Tahimik akong pumasok sa loob, at umupo sa gilid at nakinig, sinulat ko ang mga importanteng mga bagay para ireport ko mamaya sa kanya pagdating niya. After three hours, natapos din ang meeting, agad-agad akong tumayo at inayos ang mga gamit ko. "Secretary Mae, ngayon lang ata na dika kasama ni Sir King, maaga kasi siya umalis at may meeting sa labas" tanong sa akin ng isa sa chief manager. "Ah diko rin po alam, baka di na niya ako maantay kaya nauna na siya, masyado kasing maaga pa kasi sir?" sagot ko sa kanya. "Ganoon, pero di yun umaalis lalo na pag di niya bitbit ang kanyang secretary, lagi ka niyang kasama tuwing aalis siya. Saka pansin ko rin sa kanya kanina matamlay siya hindi tulad dati na laging nakangiti at palabiro, saka may mga pasa siya at sugat sa mukha. Sabagay di na yun bago lagi naman may pasa mukha niya"sabi ni chief manager. "Di rin niya naman po ako tinawagan, baka importante yung pupuntahan niya at di niya ako kailangan sir" "Ganoon, pero nagkakapagtaka lang sige mauna na ako, mamaya join ka sa lunch namin bye!" paalam niya sa akin. Nginitian ko na lang siya saka umalis na din ako. Tinungo ko ang opisina niya ulit di na ako Kumatok alam ko kasi wala pa siya at dare, daretso akong pumasok. Nagulat ako ng madatnan ko siyang nagbibihis at pasuot na siya ng kanyang jacket. Parang may pupuntahan siya, kararating niya lang aalis nanaman. "Good, afternoon sir" bati ko sa kanya. Pero Nginitian niya lang ako ng pagkatipid tipid. Sabay kinuha niya ang kanyang susi "Sir aalis po ba kayo?" tanong ko ulit sa kanya. "Yess!" matipid niyang salita pero di man lang niya ako nilingon. Humakbang siyang palabas, pero bago siya makalabas sa opisina nag salita muna siya. "I will not come back here, bukas na lang ako babalik ulit dito, pwede kang umuwi ng maaga, may lakad ako" saka siya tuluyang lumabas. Magsasalita pa lang sana ako kaso diko na naituloy. Ramdam ko talaga na may sama niya ng loob sa akin halata sa kilos at pananalita niya at higit sa lahat halos ayaw niya ang tignan. "Bahala ka kung ayaw mo akong pansinin, boss lang naman kita eh ano naman ngayon di rin kita pa pansinin, dimo pa ininom ang binili kong milk tea. Pwes kung ayaw mo ako ang iinom, maarteng pari" inis kong sabi, saka ko pinulot ang milk tea at lumabas sa opisina niya. Ginawa ko na lang ang trabaho ko na mga reports. "Hayy, salamat at natapos din lahat,pwede na akong umuwi yun naman ang utos niya" sinabi ko sa aking saril.Dinala ko ulit sa loob ng opisina niya ang mga report,saka ako umalis sa company.Habang nag aantay ako ng jeep pauwi nagring ang aking phone. Tinignan ko kung sino ang tumatawag si Troy pala,bigla akong nabuhayan ng loob kaya agad kong sinagot. "Hello"agad kong sagot. "Hi Mae,how are you today?" "I'm ok ,bat ka napatawag?" "Hmm,dina ako paligoy ligoy pa I want to ask you a dinner tonight,you remember last time when we are first met.I told you that I will treat you a dinner" "Oh natatandaan ko,sige anong oras tayo magmimeet" "Anytime if your not busy ?" "Tamang tama palabas na ako sa trabho ko ngayon,wala kasi ang boss ko my lakad kaya pwede akong umuwi ng maaga" "Ok good,sunduin na lang kita diyan" "Wag na magkita na lang tayo sa restaurant kung saan tayo kakain" "Oh ok I'll send you the place,bye see you later Mae" "Bye see you"saka ko binaba. "Di pala masasayang ang araw ko ngayon,aleast free dinner pa ako mamaya at isang gwapong nilalang ang magyaya sa akin,pero diko siya type" Nakarating na ako sa resto kung saan kami makikita. Agad ako pumasok sa loob, agad ko siyang nakita na kumakaway sa akin, mula sa kanyang kinauupuan. "Hello, Mae" bati niya sa akin, sabay hinila ang upuan para akoy makaupo. Ngumiti naman ako sa kanya, napakagwapo niya talaga pag nakangiti, mistisong mistiso. "Thank you!" sagot ko sa kanya. "Thank you for coming, you look so beautiful when you smile" feeling ko namumula na ang mga pisngi ko sa hiya. "Bolero ka pala"sabi ko sa kanya tinawanan niya lang ako. Habang kami ay kumakain,nagsalita siya dahilan para halos mabuga ko ang aking nginunguyang pagkain. "Mae do you have boyfriend?" halos maubo ubo pa ako dahil sa tanong niya. "Huh! bat mo naman yan natanong,wala akong boyfriend since birth,at wala akong balak na magkaroon"sabi ko sa kanya. "Why,your beautiful and sweet person,why don't you try it!" "Natatakot akong pumasok sa ganyang bagay mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kaysa magkarelasyon ako" "Really?Just try it Mae,ang sarap magkaroon ng taong minamahal lalo na't you love each other" "I don't believe in love"sagot ko sa kanya. "Just try with me?"sabay tumawa siya. "IKaw!posible wala ka pang syota,sa gwapo mong yan". "Just like you,I don't have any girlfriend so you wanna try,and also maganda ka naman but still you don't have boyfriend maybe we are meant to be" "Hahaha! your so funny"tanging nasagot ko sa kanya. "No offense Mae ,when I first I met you really get my attention kakaiba ka sa mga babaeng nakilala ko" "Kain na lang tayo gutom mo lang yan"sabi ko sa kanya. "Seriously,pag isipan mo ang mga sinabi ko,wala naman masama kung itry mo,alam kong mabilis ang pangyayari.But I'm just like that if I want a girl,dina ako magpapaligoy ligoy pa I just try to court her wala naman mawawala" Sandaling natahimik ako,sa mga sinabi niya. "Are you angry?dahil sa mga sinabi ko saiyo I'm sorry,hmm just forget what I said to you lets just eat"tumango lang ako sa kanya at nginitian ko siya. pagkatapos ng tatlong oras namin sa restaurant.Niyaya niya akong kumain ng ice cream.Nag enjoy akong kasama siya ,lagi siyang nagpapatawa at ang kulit niya grabe. Pagkatapos namin kumain ng ice cream,hinatid niya ako sa bahay,napaka gentle man pa niya. "Thanks for today Mae I'm so happy,nakasama ka for today" "Thank you din Troy sa foods sa pa ice cream at sa paghatid at nag enjoy akong kasama ka" "I'm glad to hear that,mauna na ako see you next time" "Ok salamat ulit, mag ingat ka babye!" Patungo na siya sa kanyang kotse ng lumingon ulit. "Mae seriously pag isipan mo ang mga sinabi ko kanina?"pahabol niyang sinabi. Tanging ngiti lang ang response ko sa kanya,habang kumakaway siyang pasakay sa kanyang kotse. "Makulit din nag lahi nito eh,pero infairness napaka gentleman niya.Di katulad ng paring yun,suplado na nga isnabero pa,kakainis lalo na't naalala ko ang di niya pag pansin sa akin kanina, sabagay kasalanan ko naman" Laging ganito ang set up uuwi ako ng bahay wala akong dadatnan mag isa lang ako. Dipa umuwi si mama nagustuhan na ata niya doon sa ibang bansa. Naalala ko nanaman si sir King. "Bakit ba lagi kitang naalala nakakainis" ***Everyone Pov*** Habang paalis si Troy, mula sa pagka hatid niya kay Mae. Di niya mapigilan ang ngumiti,habang siya ay nagdadrive pauwi ng bahay. "She's so cute and adorable, but sad to say isa ka lang paen na kailangan ko para matalo ko si King. Aagawin ko ang lahat ng saiyo ipaparamdam ko saiyo kung paano mawalan ng minamahal" Habang nagdadrive ito, napansin niya ang isang kotse nakaparada malapit sa bahay ni Mae at pamilyar sa kanya ang taong nakatayo sa harapan ng kotse. Napatawa ito, dahil nakita lang naman ang kanyang pinsan na si King. "I know it na andito ka, she's so special to you that girl my loving cousin" Bago niya nilagpasan ang sasakyan ni King binusinahan niya at binuksan ang bintana ng kanyang sasakyan. Kitang kita niya ang itsura ni King sobrang galit na galit na para bang gusto na siyang patayin. Pero imbes na masindak ito mas lalo pa niya ng inasar ng magsalita siya. "Oh cous andito ka pala, hinatid ko pala ang future girl friend ko kauuwi lang namin nagdinner sa labas, mauna na ako bye" ngiting pang aasar ang binigay ni Troy para kay King. Ngunit bago pa man niya ulit patakbuhin ang sasakyan niya mabilis na nahablot ni King ang kwelyo ng damit ni Troy. "Don't mess with me Troy, you know me I will kill you right now, no one will stop me. So don't you ever touch here else you will regret it" galit na sigaw ni King sa kanya. "Relax King, di ka parin nagbabago but I'm not afraid to you, just remember this, I will get all your belongings I will make you suffer, like what you did to me" sagot nito. "I repeat again, don't you ever touch one of my love ones, including her, you know me Troy. Di ako nagkikipagbiruan uubusin ko ang ntitira mong lahi" saka niya binitawang patulak si Troy. Galit na galit na tinungo ni King ang kanyang sasakyan at pinaandar paalis sa lugar na yun. "Nooo!!! Hindi na ako papayag na uusbusin mo ang lahi ko, Ako naman ngayon ang mang uubos sa lahi mo, at isasama ko si Mae!" sigaw ni Troy galit na galit din siya. "This is the beginning, my cousin bat parang natatakot kana!" Di mapigilang tumawa si Troy na para bang nababaliw na siya. Nang makauwi na ito, pumasok siya agad sa banyo at doon niya pinagsisira ang mga gamit na makita niya. "Troy! Troy! What happen to you open the door please" isang tinig ang narinig niya at malakas na pagkatok mula sa labas ng pintuan. Agad siyang tumigil at inayos ang kanyang sarili. "Queenie! What are you doing here, why you don't go to sleep? Gabi na ah" "Nakarinig kasi ako ng mga kalabog na nagmumula dito sa banyo mo, are you OK?" "Yes I'm ok natabig ko lang ang isang gamit kaya bumagsak sa sahig" pagsisinungaling niya. "Ganoon ba? Are you really ok?" "Yes I'm ok" sabay niyakap niya si Queenie. "Let's go you need to rest, bawal saiyo ang mapuyat ihahatid na kita sa kwarto mo" "Inaantay kasi kita" "Next time don't do that, nakakasama sa saiyo, you still recovering" "Sorry po naman, dina mauulit matutulog na ako" "Good girl!" tinulak ni Troy ang wheelchair ni Queenie palabas sa kwarto niya at hinatid niya sa kanyang kwarto. Di maiwasan ni Troy ang mapangiti dahil malaki na ang pinagbago ni Queenie nakakarecover na siya mula sa aksidenteng ngyari sa kanya noon. ***KING ALVAREZ *** Pagka galing ko sa aking pinuntahan, dumaretso ako kaagad sa bahay ni Mae para tignan siya. Ngunit wala pa ata siya dahil sarado pa ang mga ilaw ng bahay nila. Kaya inantay ko siyang makauwi pero wala parin, nakalipas na ang dalawang oras wala parin siya. "Sabi ko maaga siyang uuwi pero anong oras na wala parin siya hanggang ngayon" sabi ko. Gusto ko sana siyang tawagan pero diko magawa dahil, di parin nawawala sa akin ang mga sinabi niyang masasakit na salita. Di ako galit sa kanya pero, nalulungkot lang ako dahil di man lang niya inalam ang dahilan bago niya ako husgahan. Sabagay masama naman ang tingin niya sa akin, I can't blame her. After two hours na paghihintay ko may isang kotse ang tumigil sa harap ng bahay nila. Diko mapigilang magalit at kuyumin ang aking mga kamao. "Fvck! You again Troy! Kaya pala hanggang ngayon wala ka pa dahil makipagkita ka pa sa lalakeng yan" galit na sinabi ko. Diko maiwasan ang maiinis dahil ang ganda ng mga ngiti niya sa ibang tao samantala pag kasama niya ako diko man lang nakitaan ng ganyang ngiti, kundi nakasimangot lagi. Inantay ko munang makapasok si Mae sa loob ng bahay,at inantay ko si Troy sinadya kong lumabas sa loob ng kotse ko para makita niya ako. At di nga ako nagkakamali, nakita niya ako at huminto sa tapat ko. Diko maitago ang aking galit sa kanya na para bang gusto ko ng bunutin ang aking baril mula sa aking tagiliran para iputok sa kanyang ulo. Tulad ng dati, malakas parin mang asar gagawin niya talaga ang lahat para pabagsakin ako pero kahit kailan di naman niya nagawa. "What looser" pabulong kong sabi pero sapat na yun para marinig niya. Kumulo ang dugo ko sa mga pinagsasabi niya, kaya diko mapigilan ang aking sariling magalit sa kanya, kaya nakwelyuhan ko siya at pinagbantaan katulad sa mga ginagawa niya sa akin. Kahit di niya ipahalata, bakas sa kanyang mukha ang ang takot, dahil kilala niya ako iba ako kung magalit. Binitawan ko siya saka ako umalis.Imbes sa condo ako dadaretso pero sa condo ni Aldrin ako dumaretso, doon kasi siya lagi naglalagi kaysa sa sarili niyang bahay. "Kailan ba ako pumunta sa condo mo na walang babae dito" sabi ko sa kanya. "Bakit kasi pupunta ka rito ng walang pasabi eh alam mo naman pugad ko ito at sa mga girls ko" sabi niya. "Paalisin mo na yan, at ako ang asikasuhin mo" "Oo na mahal na pari, honey tatawagan kita ulit huh bye" saka niya hinatid palabas ang kanyang babae. "Ginawa mo ng prostitute House itong condo mo, patawarin ka sana ng panginoon" "Tumigil ka na nga alam mo naman na yan lang kaligayahan ko, saka ano nanaman ang problema mo, di ka naman susugod ng ganitong oras kung wala kang mabigat na problema" "Si Troy he's courting Mae" "Really!" tanging nasabi niya sabay sinabayan niya ng malakas na tawa. "What's funny, I'm serious here, pero tatawanan mo lang ako" "Dude! Your in love, your jealous its all written all over your face" sabi niya sa akin kaya diko mapigilan batukan siya. "Ouch! Masakit yun ah" "Your crazy! Di ako inlove at higit sa lahat di ako nagseselos, Diko maiwasan mag alala, you know Troy he do everything para pabagsakin niya ako at di siya magdadalawang isip na idamay ang mga taong malapit sa akin, at yun ang diko mapapayagan" "Sigurado ka na yan ang dahilan, wala ng iba, pero di ako nagkakamali sa pagbasa ng mukha ng isang taong inlove, dahil expert ako diyan" "Expert sa mga babae baka yan ang ibig mong sabihin ulol!" "Pareho din yun! Uyy mukhang nabihag na ata ang puso ng ng best friend ko ah" "Tumigil ka nga, I'm serious here, pero puro ka kalokohan, nagkamali ata ako ng punta dito" "So anong gusto mong gawin natin, itumba na ba natin ang pinsan mong hilaw" "Kung pwede lang sana matagal ko ng ginawa yun, pero kasalanan sa itaas" "Ayun, pari ka parin naman pala akala ko alagad ka na ni Lucifer" "Shut up! Anong tingin mo sa akin demonyo" "Bakit hindi ba?tama na nga yan pag eemote mo let's drink, saka na lang natin problemahin yan" Wala na akong nagawa kundi uminom ng uminom hanggang sa malasing nanaman ako ng husto. "Tama na yan, ihatid na kita lasing ka na dude!" "Kaya pa, di pa ako lasing let's drink more!" "Wala na lasing kana kaya tama na yan dito kana lang magpalipas ng gabi" "Hindi uuwi ako" sabi ko kahit lasing ako ayaw kong matutulog sa ibang bahay. "Teka, teka wag kang maghubad" pagpipigil ni Aldrin sa akin. Init na init kasi ako dahil siguro sa alak. Kaya pinagtatanggal ko ang aking damit pantalon at sapatos. "Wait what happen to your body, bakit puro may sugat at pasa, at pati mga paa mo puno ng sugat" "Nothing!" sagot ko sa kanya habang patuloy parin ang aking pag inom. "Dude, tell me the truth what happen to you sino nakasagupa mo at ng matulungan ka namin, look your back puro latay, di ako nagkakamali bakat ito ng latigo, umamin ka nga sa akin" "Wala yan, kulang pa yan sa mga nagawa kong kasalanan so don't worry I still manage my self" habang di parin ako tumitigil sa pag inom. "Don't tell me, you did it are you crazy? Kahit may nagawa kang kasalanan wala ka parin karapatang parusahan ang sarili mo, hindi ikaw ang panginoon" "I'm glad to hear that to you kahit papano alam mo yang bagay na yan, but it's my choice no one will stop me" "Oh I forget, your a crazy man pag sinabi mo gagawin mo talaga bahala ka nga pero dude wag masyado baka di nakayanan ng katawan mo remember malayo si Clayton" "I know so don't worry" sabi ko na lang sa kanya. "but don't overdo your self dude" Isang matamlay na ngiti ang ginanti ko sa kanya, diko maiintindihan ang sarili ko bat ako nagkakaganito I want to cry pero pinipigilan ko lang. "Dude it's hurt here I don't know why, she hurt me here what should I do" diko na nga napigilan ang lumuha paulit ulit kong binabanggit ang salitaang yan habang tinuturo ko ang aking dibdib. Ako nga din diko na rin maiintindihan ang aking sarili,napabuntong hininga na lang si Aldrin sa akin. "Di inamin mo rin na nasasaktan ka at nagseselos ka, your in love with her dude, ayaw mo lang aminin dahil kasing taas ng bundok ang pride mo" "No! I didn't inlove to her, pero bakit ang sakit dude na nakangiti siya sa iba pero sa akin hindi bakit kasi ganito ang buhay ko bakit di ako pwedeng magmahal, kailangan kong panindigan ang desisyon na ginawa ko" "Ikaw Lang naman ang gumawa ng sarili mong kapalaran, bat mo kasi nagpapatali sa nakaraan, dude wake up matagal na panahon yun, pero pinaninindigan mo parin ang pangako ng nakaraan, hindi pa huli ang lahat di ka pa naman pari kaya itigil mo na yang kahibangan mo and follow your heart" "Dude! Hey salita ako ng salita tulog ka na pala, so wala pala kwenta mga pinapayo ko saiyo dahil tinutulugan mo ako, sa susunod wag ka na pumunta dito sa condo ko istorbo ka lang" "Hmm, sige magsalita ka lang nakikinig ako" "Wag na matulog kana nga lang wag ka nanaman gagawa ng kagaguhan, kilala kita eh pag lasing ka nagging baliw ka mas mabuti pang itali kita sa kama halika na nga dito, at dalhin kita sa kwarto" "Your so noisy like my mom, you shut up!" Gusto ko ng matulog para mawala ang nararamdaman kong sakit dito sa aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD