Nagising akong nakayakap sa kanya habang nasa kandungan niya ako, parehas kaming walang suot na damit maliban lang sa coat nitong kinumot niya sa akin. Napakahimbing ang kanyang tulog,saglit ko siyang pinagmasdan napakagwapo niya ang perfect ng mukha bumagay sa kanya ang makakapal niyang kilay na laging salubong pag nagagalit at mga mata niya namumungay at ang mahahaba niyang pilik mata.Ang katawan niyang matitigas at maraming abs ang lahat ng mga itoy diko na pag aari. Nagising ako sa katotohanan na wala na pala kami. "Gumising ka Mae di ikaw ang pinili niya at higit sa lahat pag aari na siya ng iba" sinasampal sampal ko pa ang aking mga pisngi baka kasi nanaginip pa ako. Dahan dahan kong tinanggal ang mga braso niyang nakayakap sa akin,at dahan dahan din akong umalis sa kandungan niy

