NAGBAKASAKALI LAMANG si Trutty nang magtungo siya sa opisina ni Mrs. Bernadette Tolentino nang umagang iyon. Kung masyadong abala ang ginang at hindi siya maisingit sa appointment sa araw na iyon ay aalis na lamang siya. May parte sa kanya ang umaasa na hindi siya ma-accomodate sa araw na iyon ngunit may mas malaking bahagi ang nais alamin na ang buong katotohanan. Naghintay si Trutty sa waiting area habang ipinapaalam ng sekretarya ang presensiya niya kay Mrs. Tolentino. Hindi naman siya pinaghintay nang matagal. Nakangiti ang sekretarya pabalik upang sabihin na maaari na siyang pumasok sa loob ng opisina. Trutty took it as a sign. Kahit na kinakabahan, lakas-loob siyang pumasok sa opisina. Walang pag-aalinlangan. Umasa siya na kapag nalaman niya ang nawawalang bahagi ng kuwento ay gana

