Nang makarating kami sa rooftop ay kaagad na humarap sa akin si Mia. Ang ibang kaibigan niya naman ay nakaharang sa daanan nitong rooftop. Binabantayan ata nila kung may aakyat ng rooftop. Lahat sila mukhang maaangas at mahahalata mo sa hitsura nila ang pagiging parte ng gang. "Ang pogi ni Ethan 'no? Kanino nga ulit si Ethan?" tanong ni Mia sa akin. Nilapit niya rin ang mukha niya sa mukha ko kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko siya sinagot kaya nagulat ako nang tapakan niya ang paa ko. Napaluhod ako dahil sa sakit nang pagtapak niya. Binigla niya kasi at ang lakas pa nang pagkakatapak niya. "Tinatanong kita 'diba?! Sagot!" sigaw nito. "Walang nagmamay-ari kay Ethan, hindi mo siya pagmamay-ari. Atsaka ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na magkaibigan lang kami?" mahinahong sabi ko at

