Hinawakan ko ang kwintas ko at gumawa ng illusion sa mga isip nila. Pinadilim ko ang paligid gamit ang illusion kaya hindi nila makita ang isa't isa at nag-umpisa silang mataranta. Ramdam ko ang paghahanap nila sa isa't isa. 'Matagal na akong nagtiis sa'yo Mia, sa mga ginagawa mo sa akin,' sabi ko gamit ang utak ko. Alam kong narinig nila iyon. "Anong ginawa mo?! Bakit wala kaming makita?! Nasaan kami? Saan mo kami dinala?!" galit na sigaw ni Mia. Ginawa ko namang iba ang lugar at ngayon ay nasa gilid na kami ng bangin. Nasa likuran nila ang bangin habang ako naman ang nasa harapan nila. "Walang hiya ka!" sigaw ni Mia at akmang lalapit sa akin ngunit kaagad itong natigilan nang sa pag-abante niya ay siya namang paggalaw ng lupang inaapakan nila at isang maling galaw lang ay mahuhulo

