"Paano mo nalaman na nandito ang katawan ni Ms. Myra Rodriguez?" tanong ng Chief of Police. "Ginahasa niya po si Myra," sabi ko. Nagtinginan naman ang lahat sa akin. "Okay students go back to your classroom, hindi ito ang panahon upang magbiro," sabi ng Principal at pilit kaming pinapalayo. "N-nagsasabi siya ng totoo," sabi ni kuya Edmon at lumuhod. Nagsimula itong humagulhol. "Hindi ko naman gustong gawin iyon," sabi pa ni kuya Edmon habang umiiyak. Kaagad na may lumapit na pulis sa kaniya at habang pinoposasan siya ay nagsasalita ang pulis. Hindi ko lang marinig dahil malayo ito. "Paano mo nalaman ang gano'ng bagay iha?" tanong ng Principal. Tumingin naman ako kay Elle at Ethan. Tumango naman si Elle sa akin kaya huminga ako nang malalim bago magsalita. "Nang hawakan ko po 'yung

