Muling napayuko ang doktor kaya ilang sandali lang ay nilapitan siya ni Gian. Hinaplos ni Gian ang buhok ng kaniyang Ama kaya napatingin sa kaniya ang kaniyang Ama nang maramdaman ang haplos nito. "Huwag mo pong hahayaan na gawin ka nilang monster Papa," sabi ni Gian kaya muling umiyak ang doktor. Ilang sandali pa ay pinunasan ng doktor ang kaniyang mga luha at tumayo. Binuhat niya ang batang biktima niya. Natatakot pa ang bata sa kaniya ngunit hindi naman ako nakaramdam ng panganib kaya hinayaan ko siyang buhatin ang bata. Sinundan lang namin sila ni Gian nang makalabas sila rito sa secret room. Pumunta ang doktor sa nurse station at sinabihan ang nurse na tumawag ng pulis kaya kahit na nagtataka ang nurse ay kaagad na tumawag ang nurse. ~~ Dumating na ang mga Pulis at hinuli ang d

