Nagising ako at inilibot ang tingin ko sa paligid. Doon ko lang napagtanto na kwarto ito ni Ethan. Nakita ko si Elle sa tabi ko na mukhang nakatulog na. Sinubukan kong umupo at hindi makagawa ng ingay upang hindi maistorbo si Elle. Kaagad siyang gumalaw at inangat ang ulo niya at umupo. "Okay ka na? Kumusta ang nararamdaman mo?" tanong ni Elle. "Ano'ng nangyari?" tanong ko. "Nahimatay ka kaya dinala ka namin dito," paliwanag niya. "Anong oras na?" tanong ko. "Alas kwatro na ng madaling araw. Umuwi na rin si Cedric tapos si Ethan--" Naputol ang sasabihin ni Elle nang pumasok si Ethan na may dalang pagkain. Nilapag niya ang maliit na table sa kama niya kung saan ako nakaupo. Marami siyang pagkain na hinanda. "Oh you're awake, kumusta ang nararamdaman mo okay ka na ba?" tanong ni Etha

