Bumalik ako sa kinauupuan ko dahil napagod ako kaya binalikan ni Cedric si Elle upang muli itong isayaw. Si Ethan naman ay hindi pa rin tinitigilan ng ibang kababaihan kaya hindi siya makaalis sa sayawan. Nakaramdam ako ng para bang may nakatingin sa akin kaya lumingon ako sa paligid at nakita ang isang kaluluwang babae na malapit sa cr. Umiiyak ito at duguan habang nakatingin sa akin kaya tumayo ako at sinundan ito. Nang makalapit ako ay tumakbo ito paakyat sa 3rd floor kaya kahit nabibigatan ako sa gown ko ay pinilit kong umakyat at sundan siya upang makausap siya at matulungan. Pagkarating ko ro'n ay hindi ko na maramdaman ang presensya niya kahit na libutin ko ang mga room na naroon. Nang hindi ko siya makita sa pinakadulong room ay napagdesisyunan ko nang umalis ngunit paglingon

