Kaagad na kumalas si Elle sa pagkakayakap sa akin at nag-aalalang tumingin sa akin. "Ayos ka lang?" tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko. Peke naman akong tumawa. "Oo naman. Nakagat lang ng ipis 'yung mata ko kaya medyo maga," wika ko. Napatingin naman ako sa likod niya at nakita si Lira at Ethan na naghahanda na ng pagkain sa lamesa kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko at tumakbo papalapit sa kanila. Kaagad kong niyakap si Lira. Nagulat naman siya dahil nakatalikod siya sa akin. Natanggal ang ngiti niya nang humarap siya at makita ang mga mata ko. "Kagat lang 'yan ng ipis, huwag kang mag-alala," nakangiting sabi ko. Muling sumilay ang ngiti niya at niyakap ako nang mahigpit. "T-teka bakit nga pala kayo nandito? B-baka makita kayo ni Mama," nag-aalalang tanong ko. "A-ah ka

