"Good Morning, Ethan," magalang na bati sa kan'ya ni Mang Ato nang mapagbuksan siya nito ng pintuan. Daig pa nito ang mga security guard dahil lagi itong mulat at palagi rin itong may hawak-hawak na sariling logbook. "Morning too, Mang Ato," balik niyang bati rito at pagkatapos ay tinanguan niya ito. Alas-tres na kasi nang madaling araw ng makarating siya sa bahay nila at pagkatapos ay papasok pa siya mamayang alas-otso. Hindi naman sana siya aabutin nang umaga kung wala lang siyang kasamang mga baliw. "Nasaan ba ang driver mo?" usisa nito habang may sinusulat sa sarili nitong logbook. "Dapat lagi kang may kasama lalo na ngayon inabot ka na nang umaga." "Kasama ko naman po sina Nick at Vince," imporma niya sa matanda. Nakakaunawang tumango-tango naman ito sa kanya. Kilala kasi n

