Episode 7

1057 Words

"Queen may mga kalaban! Dapa!" Napabalikwas siya ng bangon at agad niyang dinampot ang kanyang baril na itinago niya sa ilalim ng kanyang kama. Biglang uminit ang ulo niya ng marinig niya ang malakas na tawa ni Evo na halos umalingawngaw sa loob ng kanyang kuwarto. Hawak-hawak pa nito ang tiyan. Kulang na lang maglupasay ito. Maluha-luha na rin ito dahil sa sobrang pagtawa. Napahawak siya sa sariling batok. Pakiramdam niya aatakehin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit. "Wala ka bang magawa sa buhay mo, ha. Evo?!" Kahit kailan talaga buwesit ang lalaking 'to sa buhay niya! Wala ito ibang ginawa kundi ang pagtawanan siya at painitin ang ulo n'ya sa araw-araw na magkasama sila. Tuwing dito ito natutulog sa kanilang mansiyon laging magulo ang buhay niya. Walang katahimikan! "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD