"Hi, Ethan! Fancy seeing you here!" Walang paalam na umupo ang mangkukulam sa tabi n'ya! "I missed you! Namiss mo rin ba ako?" Muntik pa s'yang malaglag sa kinauupuan n'ya dahil sa sobrang gulat. Nakatingin kasi siya sa malayo dahil pakiramdam n'ya malapit na siyang mabaliw. Hindi n'ya tuloy napansin na may papalapit na delubyo sa kan'ya. Bilib din naman s'ya sa babaeng 'to dahil ang talas ng mata. Nasa dulong bahagi na nga siya pero nakita pa rin s'ya nito. Marahas s'yang napatingin sa mukha nito. "Yna, will you please leave me alone?" mariin n'yang pakiusap dito. "At saka huwag kang umupo rito dahil baka magalit ang girlfriend ko," pagsisinungaling n'ya. Luminga-linga naman ito. "Nasa comfort room," imporma n'ya rito pero dahil makapal ang mukha nito hindi man lang ito natinag.

