Nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa ginawa ni Yna dito. "Yna, stop! You're killing him!" Tiningnan siya nito ng walang ekspresyon sa mukha. She's scary! Parang nanlalambot ang mga tuhod n'ya dahil sa mga titig na pinupukol nito sa kanya. Why does she need to do that? Bakit parang sanay na sanay itong makipaglaban? Hindi kaya terorista ito? Killer? Assassin? Parang gusto n'yang masuka dahil sa sariwang dugo na umaagos mula sa lalaki. Mabuti na nga lang at medyo madilim sa lugar at walang taong napapadaan kaya walang nakakapansin sa kanila. "Yna! There's a man behind yo–!" Bago pa man n'ya sabihin na sasaksakin ito mula sa likuran ng lalaking sinipa nito kanina sa mukha ay yumuko na ito habang ang mga kamay ay nakalapat sa semento. Sinipa nito ang lalaki sa gitnang bahagi ng kataw

