Bigla na lang sumulpot si Yna sa harapan ng mga kaibigan ni Ethan. "Hi, guys! Kumusta na?" nakangiti n'yang bati sa mga kaibigan ni Ethan. "Pinuntahan n'yo ba si Ethan?" At dahil hindi inaasahan ng dalawa ang biglaang pagsulpot n'ya kaya nagulat ito at bahagya pang napasigaw. "Ahhhh! F*ck!" "Sh*t! What the hell!" Magkapanabay na sigaw ng dalawa. Medyo madilim na rin kasi kaya akala siguro ng dalawa ay isa s'yang aswang. "Ang ingay n'yo naman. Ako lang 'to," balewala n'yang pahayag at hindi n'ya pinansin ang takot na mababakas sa mukha ng dalawa. "Mga nerbiyoso." Nagtago kasi s'ya sa poste tapos patalon pa s'yang sumulpot. Kaya hayun, nagulat ang dalawa kagaya ng inaasahan n'ya. Sinundan n'ya kasi ang mga ito dahil gusto n'yang malaman ang kalagayan ni Ethan. Alam n'ya naman na n

