Pagpasok nila sa opisina ni Ethan umarte kaagad ito na akala mo aping-api. Samantalang no’ng silang dalawa lang ang tapang-tapang. Kulang na nga lang kainin siya nito ng buhay at tirisin ng pinong-pino pero ngayon. Let's the battle begin! She's ready for a long fight, anyway. Medyo matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapag-exercise, eh. Baka naman puwede niya itong gawin na punching bag. Mga tatlong suntok lang masaya na siya. “Ethan!” malakas nitong tawag sa pangalan ni Ethan. Ang O.A lang. “This f*cking janitress! Fired her now! She’s so stupid!” sabi pa nito habang dinuro-duro siya. Wala rin naman siyang pakialam kahit tanggalin pa siya ni Villaflor! Mas maganda nga ‘yon, e. Kapag tinanggal siya ni Villaflor siguradong magiging ayahay na ang buhay n'ya. Sasabihin niya sa

